Frankie: “I’m never gonna stand on something that I don’t know”

Image by Frankie Cuneta Pangilinan via Facebook
  • Frankie Pangilinan sinabing pinag-aaralan niya muna ang mga isyu bago mag-post online
  • Kaya’t sana’y gayundin aniya ang gawin ng iba at hindi lang basta-basta nakikisawsaw sa bandwagon
  • Binanggit niya ang mga matatapang na post online at mukhang totoo; pero malalamang mali ‘pag susuriing mabuti

Ipinaliwanag ni Frankie Pangilinan na hindi siya basta-basta naglalabas ng opinyon sa social media kung hindi niya naiintindihan ang isyu; bagkus ay pinag-aaralan muna niya ang mga ito katulad sa pagbibigay ng class presentation kung saan dapat alam mo na ang paksa bago mag-report.

Image by Frankie Cuneta Pangilinan via Facebook

Wika ni Frankie sa panayam ng GMA News, “I’m never gonna be loud naman about things na hindi ko alam. ‘Di ba, parang nakakahiya naman for me to be so brave about opinions on things I haven’t read, I haven’t studied, ‘di ba?

“Parang nagbibigay ka ng class presentation pero hindi mo naman alam ‘yung topic mo, ‘di ba? I don’t think that I have the right to talk about things na I don’t know… If I want to learn about something then I’ll learn about it muna.”

Matatandaang naging kontrobersyal ang pangalan ng anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan kamakailan dahil sa mga matatapang nitong pahayag sa rape culture at maging sa pagkontra nito sa Anti-Terrorism Bill.

#HijaAko nag-trending dahil sa diumano’y “victim-blaming statement” ni Ben Tulfo

Aniya, hindi siya basta nag-tweet kontra sa kontrobersyal na batas kundi binasa niya muna ang transcript mismo nito.

Image by Frankie Pangilinan via Instagram

Kaya’t nananawagan siya na sana’y gayundin ang gawin ng ibang mamamayan na kinakailangang impormahan muna ang sarili sa isyu at hindi lang nakikisawsaw at sumasabay sa bandwagon.

Binanggit ni Frankie ang ilusyon sa social media kung saan mukhang firm ang stance at totoong-totoo ang ipinapahayag ng ilang netizens pero saka malalaman na mali ito kung susuriing mabuti o magsasagawa ng fact-checking.

Photo from Pixabay

Loading…