Frontliner ibinahagi ang pinagdaraanan sa pagsisilbi sa bayan sa gitna ng COVID-19

Imahe mula sa Facebook | Carlo Salinas

 

  • Ipinahayag ng isang frontliner ang kaniyang saloobin tungkol sa kaniyang pinagdaraanan bilang isang nurse
  • Matapos ang 12 oras na duty nang walang kain o inom ay kailangan naman niyang harapin ang hirap sa pagsakay ng tren pauwi
  • Bukod sa mga ito, marami pa raw silang kinahaharap na pagsubok kagaya ng diskriminasyon at mababang sweldo 

Ibinahagi ng isang nurse ang araw-araw na kalbaryo sa pagiging isang frontliner sa loob ng ilang buwan na pakikipaglaban nila sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Carlo Salinas

Alas kwatro ng umaga pa lamang ay nagsisimula na ang araw ni Carlo Salinas upang makasakay siya ng bus papasok ng 5 a.m.

Pagpatak ng 6 a.m. ay simula na ng 12 oras na duty niya upang alagaan ang mga pasyenteng may COVID-19. “Walang kain o inom kasi sa COVID-ICU ako,” dagdag niya.

Matapos mag-endorse ng 7:30 p.m. ay agad siyang bumibiyahe patungo sa LRT , kung saan mahigit dalawang oras siyang naghihintay ng tren. “Kasi nga, 20 na tao lang kada bagon ang puwedeng sumakay because of COVID protocols,” aniya.

Pagdating sa kanilang bahay ng 11 p.m. ay saka pa lamang siya makakakain. “Repeat this again for the next two days, depende kung saan maro-rotate.”

Imahe mula sa Unsplash

Batid niya raw na ang ibang mga kapwa nurse ay mas malala ang pinagdaraanan. “Mababang sweldo, hindi makatarungang work load, diskriminasyon. Basta ang masasabi ko lang, NAKAKAPAGOD na maging nurse sa Pilipinas.”

Marami naman ang nakaunawa sa hinaing ng ni Carlo. Habang isinusulat ito ay may mahigit 35k reactions at 16k shares na ang kaniyang post.

“I feel your difficulties. Will keep on praying for your safety always. God bless,” komento ni Maria B.

“I feel you! But I don’t understand why you do not eat or drink. Where do you get your energy? Take care of yourself first, please,” paalala naman ni R. Noveda.

Saludo sa mga frontliner kagaya ni Carlo.

Source :

Facebook

Loading…