Gaano ka kayaman? Lalaking may hawak na cake na pang-meryenda lang, kinatuwaan

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang larawang makikita sa isang Facebook page
  • Makikita ang isang lalaking may hawak na chocolate cake: walang espesyal na okasyon o pagdiriwang, kundi meryenda lamang daw niya ito
  • Samantala, naging trending din sa social media ang post ng isang lalaki na bumili ng cake para sa kanyang sarili

Hindi mawawala sa isang pagdiriwang, lalo na kung kaarawan, ang cake. Tila nakaugalian na kasi ito ng mga Pilipino: kahit na medyo may kamahalan ang presyo nito, ayos lang, basta’t matutuwa lamang ang kapamilya, kaibigan, kaanak, kasintahan, o katrabaho sa espesyal na araw nila.

Kaya naman, kinatuwaan ng mga netizens ang larawang itinampok at makikita sa Facebook page na “Rant” kung saan makikita ang isang lalaking may hawak na chocolate cake: walang espesyal na okasyon o pagdiriwang, kundi meryenda lamang daw niya ito. Parang gusto niyang sabihin, “Panghanda ninyo, pang-meryenda ko lang.” Yamanin!

Imahe mula sa Facebook page na Rant

Umani naman ito ng nakatutuwang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Bakit, sino ba may sabing kapag birthday o may party lang dapat may cake? Puwede namang bumili ng cake kapag gusto mo lang magmeryenda eh hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “After seeing this, I laughed so hard and then I started coughing. Now my family has put me in a separate room for isolation. Joke lang. Benta sa akin ‘to.”

“Yung kapitbahay nga namin, halos araw-araw bumibili ng cake sa Goldilocks o kaya sa Red Ribbon. Wala lang, trip lang niya. Malakas daw maka-mayaman kapag may cake sa bahay, hahaha,” wika naman ng isa.

Samantala, naging trending din sa social media ang post ng isang lalaki na bumili ng cake para sa kanyang sarili. Aniya, wala naman daw magbibigay ng cake para sa kanyang kaarawan kaya siya na lamang ang bumili nito. Marami ang naaliw sa dedication ng cake na binili niya para sa kanyang sarili.

Happy birthday to me! Lalaki binilhan ng cake ang sarili para sa kanyang kaarawan

Salaysay ni Jhay-Ar Sebastian Romero, Jr. sa kanyang post, mukhang wala naman daw magbibigay sa kanya ng cake o anumang regalo kaya siya na rin na lamang din ang bibili nito para sa kanyang sarili. Simple man daw ang kanyang pagdiriwang, wala naman katumbas ang sayang nararamdaman niya.

Imahe mula sa Facebook account ni Jhay-Ar Sebastian Romero, Jr.

Ikaw? Gaano ka kayaman para gawing meryenda ang cake sa araw-araw?

Loading…