Gobyerno handang magbenta ng ari-arian para sa COVID-19 vaccine – Roque

Image by Harry Roque via Facebook
  • Nakahanda ang gobyerno na magbenta ng ari-arian para sa lunas sa COVID-19, sabi ni Spokesperson Harry Roque
  • Aniya, mas mahalaga kay Pangulong Rodrigo Duterte ang buhay kaysa sa ari-arian
  • Ibinahagi niya ang magandang resulta ng COVID-19 vaccine trial ng isang US company

Mas mahalaga kay Pangulong Rodrigo Duterte ang buhay ng mamamayan kaya’t nakahanda ang gobyerno na magbenta ng ari-arian para makabili ng gamot sa COVID-19, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Imahe mula sa PCOO

Pahayag ni Roque sa “Laging Handa” public briefing, “Basta po mayroon nang gamot diyan sa COVID-19. Basta may bakuna, ibebenta natin lahat ng ari-arian ng gobyerno para makabili po tayo para sa ating mga kababayan.

“Iyan po ang paninindigan ni Presidente – buhay muna bago ari-arian.”

Pagbabahagi ng spokesperson, maganda umano ang resultang ipinakita ng una sa apat na COVID-19 vaccines na sinusuri ngayon ng US pharmaceutical giant na Pfizer at ang German partner nitong BioNTech.

Batay sa mga datos mula sa phase 1/2 ng trial, nagti-trigger ito ng “immune system response” at inihahanda ang katawan para labanan ang COVID-19.

Nasabi naman ni Chinese President Xi Jinping noong nakaraang buwan na prayoridad nila ang Pilipinas sakaling makahanap sila ng lunas.

Tugon ni Duterte, nakahanda ang bansa na maki-cooperate sa research trials para dito.

Matatandaang sinabi ng pangulo noong Abril na kinokonsidera niya ang pagbebenta ng ari-arian para pondohan ang laban ng bansa sa pandemya at para makatulong sa mga apektadong mamayan.

Pangulong Duterte may good news tungkol sa potential COVID-19 vaccine

Ibinahagi ng pangulo noong nakaraang buwan na naniniwala siyang may bansang napeperpekto na ang dine-develop na gamot. Hindi niya pinangalanan ang bansang tinutukoy.

“Ang masabi ko sa inyo na good news is that we believe and I believe, too, that many countries have now perfected some vaccines. Maybe some are haphazard, kasi madalian eh. The quest for vaccine takes time, years. Dito nagmamadalian, at least we have medicine that would fight COVID,”

Loading…