Gobyerno hinihikayat na mag-invest sa efficient e-connectivity para sa edukasyon sa far-flung areas

Image by Mike T. Defensor via Facebook
  • Sabi ni Cong. Michael Defensor, mag-invest ang pamahalaan sa efficient internet connectivity sa malalayong lugar
  • Ito’y upang hindi mapag-iwanan sa edukasyon ang mga estudyante roon
  • Defensor: “The government must give priority as an investment for the education of our young generation”

Hinihimok ni Cong. Michael Defensor ang pamahalaan na mag-invest sa efficient internet connectivity lalo na sa mga malalayong lugar para hindi mapag-iwanan sa edukasyon ang mga estudyante roon.

Image by Mike T. Defensor via Facebook

Wika ni Defensor, “Internet connectivity must also be efficient in the so-called missionary areas so that students in far-flung areas will not be left behind in the hybrid classes being introduced by the education department.”

Binanggit nito na sa obvious na kadahilanan, hindi gagawing prayordidad ng mga telecommunication companies ang pagtatayo ng “missionary cell towers.”

“It is in those neglected areas, or missionary sites, which are not prioritized by the telcos that the government must give priority as an investment for the education of our young generation,” sabi ng kongresista.

Nakadepende umano sa mga cell towers na nakatayo sa mga lugar ang efficient internet connectivity.

Pahayag nito, tinatayang nasa P12-billion ang kinakailangang pondo para sa initial investment para makapagtayo ng nasa 2,000 missionary cell towers.

Para makabawi ang pamahalaan sa gastos, aniya, ipaparenta ang mga state-owned cell towers sa mga telco companies.

Pangulong Duterte duda sa kahandaan ng Pilipinas para sa online learning

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na duda siya na handa ang bansa sa pagsasagawa ng online classes.

Imahe mula sa PNA

“Secretary Briones is insisting there should be an alternative there and she has a very good program for that. Parang teleconferecing.”

Dagdag pa ng pangulo, “The technology is good but I don’t know if we’re ready for that. Meaning to say, if we have enough of those na gamitin para sa whole of the Philippines.”

Nanindigan naman ang Department of Education na ang kakulangan ng access sa teknolohiya ay hindi problema dahil magbibigay sila ng mga printed learning materials sa mga mag-aaral.

Sec. Briones| Imahe mula sa DepEd Facebook

Loading…