‘Gold wisdom’ napulot ng netizen mula sa lalaking nagbibisikleta kasama ang kambing

Imahe mula sa Facebook | Karl Joseph Sanmocte
  • Mahahalagang aral ang naibigay ng isang lalaking nakitang nakasakay sa bisikleta kasama ang isang kambing
  • Ibinahagi ito ng netizen dahil sa tatlong ‘gold wisdom’ ang napulot niya mula rito
  • Isa na rito ay ang hindi pagmamadali sa panahon kung saan lahat ay instant

Nagbigay ng aral ang eksenang nasaksihan ng isang netizen kung saan nakita niyang mabagal na umuusad sakay ng bike ang isang lolo kasama ang kaniyang kambing.

Imahe mula sa Facebook | Karl Joseph Sanmocte

Kuwento ni Karl Joseph Sanmocte sa isang Facebook post, nakuhanan ng video ng kaniyang asawa ang isang lalaki bandang alas-5 ng hapon malapit sa San Pascual Public Market sa Batangas.

“Just a simple reminder for me of the old but gold wisdom: 1. Do not rush 2. Embrace your whole self, especially your limitations 3. Find a loyal friend,” aniya.

Sa isang panayam sa Philippine Star, sinabi niyang naging paalala ito sa kaniya na huwag magmadali na makarating sa paroroonan. “In an era where everything is extremely fast and we want things instantly, para akong binuhusan ng tubig when I saw the moment. Na no matter how slow we think we are, we will still arrive at our destination,” dagdag niya.

Imahe mula sa Facebook | Karl Joseph Sanmocte

Sa kasalukuyan ay may mahigit 8k views na ang video na ito.

Komento ng isang netizen, minsan ay marami ring mapupulot na aral sa pagmamasid mula sa malayo. “Wisdom from the street. There are times we learn a lot from observing others at a distance, by just the thought of putting yourself on their shoes,” ani Lect M.

Sang-ayon naman dito si Karl. Sagot niya, “We just have to be observant. And also, needed din pala ‘yong time for silence so we can reflect better. After all, it is not money or fame or success that our hearts long for, but peace. It is peace of mind and heart that we always seek.”

Napakahahalagang aral ang naibigay nina Tatay at ng kaniyang kaibigang kambing.

Loading…