Gov. Remulla may payo kay Rep. Remulla: “We owe the people to be respectful”

Imahe via Facebook| Gov. Remulla
  • Isang bukas na liham ang ibinahagi ni Gov. Remulla sa kaniyang kapatid
  • Ito ay matapos mag-viral ang video ni Rep. Remulla sa Kamara kamakailan
  • May payo rin ang gobernador tungkol sa mga isyung tinatalakay ngayon sa Kongreso

Isang bukas na liham ang ipinadala ni Cavite Governor Jonvic Remulla para sa kaniyang kapatid na si Rep. Boying Remulla matapos mag-viral ang isang video kung saan nakita ang kongresistang ‘abala’ habang tumutugtog ang pambansang awit sa Kamara.

Umani ng batikos at puna sa social media ang mambabatas bagama’t humingi na ito ng paumanhin sa publiko.

Imahe screenshot via Facebook| Gov. Remulla

Samantala sa sulat na ibinahagi ni Gov. Remulla sa kaniyang Facebook, sinabi nitong hindi umano siya makapaniwala sa ginawa ng kaniyang ‘kuya’.

“We have attended countless flag ceremonies together in the Capitol. We have always come on time. We have always treated the people with respect. We have always stood and held our hands to our chest. That wasn’t you on the Batasan floor. You were never like that,” anang gobernador.

Inalala rin ng nakababatang Remulla kung paano naging ‘father figure’ para sa kaniya ang kaniyang kapatid at kung paano siya natuto ng maraming bagay mula dito.

Imahe screenshot via Facebook| Gov. Remulla

“The values of standing up for what is right and fighting for it, if need be,” anito. “The values of integrity in work and the primacy of the people’s interest. The values of being graceful when making decisions and thanking people when it goes right, and owning up to it when it goes wrong.”

May payo rin ang gobernador tungkol sa mga isyung tinatalakay ngayon sa Mababang Kapulungan kabilang na ang isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Imahe screenshot via Facebook| Gov. Remulla

“We owe the people to be respectful. We owe the people clarity. We owe the country FACTS. As leaders, we owe the people examples of civility which they can learn from,” wika pa ni Gov. Remulla.

Tungkol naman sa kilos at pananalita bilang lingkod-bayan, hinimok ng goberndor ang kapatid na kongresista: “Let’s be the better person. Let’s be the clearer person. Let the facts speak louder than our own words.”

Si Rep. Remulla ay isa sa mga mambabatas na mahigpit na tumututol sa pagrenew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Loading…