GSIS members maaaring mag-loan ng hanggang P100,000 para sa tuition fee at pambili ng computer

Imahe mula sa Bilyonaryo
  • GSIS maglulunsad ng dalawang loan programs para sa mga members nito
  • Maaaring makautang ng P30,000 sa Computer Loan Program na maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon
  • Hanggang P100,000 naman ang maaaring mautang sa Educational Loan Program na maaaring bayaran ng hanggang 5 years

Dalawang loan programs ang ilulunsad ng pamahalaan upang tulungan ang mga mamamayang Pilipino na makabili ng computers na magagamit sa online learning at pambayad sa tuition fee at iba pang school fees.

Imahe mula sa Bilyonaryo

Inanunsyo ito ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez sa isang economic forum na ginanap kamakailan lang.

Ani Sec. Dominguez, ang loan programs ay mula sa Government Service Insurance System (GSIS).

Ilulunsad ng GSIS ang Computer Loan Program nito sa August 1, 2020 kung saan ang mga aktibong miyembro ay maaaring maka-avail ng P30,000 loan upang matulungan silang makabili ng laptop o desktop na magagamit ng mga anak nilang estudyante sa distance learning na ipatutupad ng Department of Education para sa school year 2020-2021 na magsisimula sa August 24.

Six percent per annum lang ang interest sa loan na maaaring bayaran ng hanggang tatlong taon.

“Next month, GSIS will introduce a new P30,000 computer loan program to its active members to help them purchase a laptop or desktop in light of the new normal of holding distance or online classes,” ani Sec. Dominguez.

Screenshot mula sa PTV video

Sa September 17, 2020 naman ay ilulunsad ng GSIS ang Educational Loan Program na magagamit ng mga members na pambayad sa tuition at iba pang school fees ng mga anak nilang estudyante o sinumang nais nilang pag-aralin.

“The GSIS will launch in September an educational loan program for its members to help pay for tuition and other school fees of their nominated student beneficiaries,”pahayag ni Sec. Dominguez.

Ang maximum amount na maaaring utangin sa loob ng isang academic year ay P100,000. Payable ito hanggang 5 years.

Screenshot mula sa PTV video
Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…