Gunita ng pagkabata: Anong “away-kapatid memories” mo?

  • Isang tanong ang nagpabalik sa gunita ng pagkabata ng mga netizens
  • Ito ay  tungkol sa “away-kapatid memories”
  • Kaniya-kaniyang salaysay at pagbabahagi naman ang mga netizens hinggil dito

Utol, kaputol, kapatid. Ang salitang kapatid ay mula sa salitang-ugat na “patid” kung saan tumutukoy sa iisang “umbilical cord” na nagdurugtong sa pusod ng sanggol sa kaniyang ina. Sinasabing masaya sa pakiramdam kapag may kapatid. Kung ikaw ang nakatatanda, ikaw ang inaasahang papalit sa puwesto ng mga magulang at magtatanggol sa bunso. Kung ikaw naman ang pinakabata o bunso, ikaw umano ang paborito ng lahat.

Kaya naman, isang tanong sa Facebook page na “Rant” ang nagpanumbalik sa gunita ng pagkabata ng mga netizens. Ang tanong: “Anong away-magkapatid memories mo?” bagay na sinagot naman ng marami.

Imahe mula sa Facebook page na Rant/ Publuc Domain Image

“Yung sa galit niya, natulak niya ako tapos wasak yung screen door namin hahaha, pero ngayong malalaki na kami, in good terms na kami, tinatawanan na lang namin,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Dinuraan niya ako, dinuraan ko rin siya, nagduraan kami. Nang makita kami ni Mama, kurot sa singit inabot namin. Hahaha. Those were the days.”

“Yung nagsuntukan kami ni Kuya sa harap ni Mama pero ngayon ang sweet na namin, wala nang ganoon. Spoiled brat ako noon eh,” pagbabahagi ng isa.

Wika naman ng isa, “Yung nag-agawan na kami ng walis tambo napunta sa Ate ko yung pang-walis sa akin yung kahoy hahaha.”

“Sa amin, giyera-patani kapag nag-away kami ng mga kapatid ko. Hindi kami kinakaya ni Mama. Kapag lumabas na si Papa at may hawak na pamalo, doon lang kami natitigil hahaha. Ngayon wala na ang mga umaawat sa amin, hindi na rin kami nag-aaway na magkakapatid,” salaysay naman ng isa.

Public Domain Image

Normal lamang daw ang pagkakagalit o pagkakatampuhan ng mga magkakapatid. Subalit pagbali-baligtarin man daw ang mundo, mananatili pa rin kayong magkapatid at magkapamilya dahil iisa lamang kayo ng sinapupunang pinagmulan.

Samantala, may ilan namang mga tao na nagtuturingan bilang magkakapatid kahit na hindi magkaano-ano. Minsan, may ilang itinuturing na kapatid ang kanilang mga kaibigan, katrabaho, o kasamahan sa pananampalataya.

Source :

Facebook

Loading…