Gurong ina labis na ipinagmalaki ang artworks ng 11 taong gulang na anak

  • Ipinakita ng isang 11 taong gulang na bata ang kaniyang husay sa pagpipinta
  • Gumamit lamang siya ng watercolor na ipininta niya sa bondpaper
  • Labis naman siyang ipinagmamalaki ng kaniyang ina na isang guro; bukod daw sa pagpinta, mahusay rin ang kaniyang anak sa pagtugtog ng iba’t ibang instrumentong musikal

Ipagmamalaki ng sinumang ina ang kanilang mga anak anoman ang kanilang mga talento, kasanayan, katangian, at mga kakayahan. Walang katumbas na ligaya ang marinig mula sa ibang tao ang mga papuri at pagtangi sa anak na nagpakita ng kahusayan sa larangan na maaari niyang tahakin sa kaniyang paglaki.

Katulad na lamang ng isang gurong ina mula sa Bicol na nagngangalang “Baby Loudes Villafuerte” kung saan walang pagsidlan ang kaniyang tuwa sa mga artworks ng kaniyang malikhaing anak na 11 taong gulang pa lamang. Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook post ang mga paintings ng anak na si “Bechay” o Princess Veronica.

Imahe mula sa Facebook account ni Baby Lourdes Villafuerte / Beybi Maula Villafuerte

“Habang busy ang ina, ito naman ang sa kanya. Galing mo Chay!!!” pagmamalaki ng gurong ina sa kaniyang anak, na nasa ikaanim na baitang  sa darating na pasukan.

Makikita sa mga artworks ni Bechay ang pagpinta niya sa iba’t ibang mga anyo ng kalikasan kagaya ng bulaklak, puno gayundin ang isang bahay na maraming lobo sa bubungan nito. At ang katangi-tangi rito, binigyang-pugay niya ang mga frontliners na lumalaban sa pagsugpo sa COVID-19.

Ayon kay Mam Baby, simpleng bondpapers at watercolor lamang ang mga kagamitan ng kaniyang anak sa pagpipinta. Pagmamalaki pa niya, hindi lamang mahusay sa pagpipinta ang kaniyang anak kundi maging sa musika at pagpapatugtog ng ilang mga instrumentong musikal. Bukod diyan, consistent ang bata sa pangunguna sa kaniyang klase at buong batch niya.

“Hindi naman sa pagmamayabang, ang anak ko po ay consistent top 1 sa klase at batch niya. Nakatutugtog din siya ng iba’t ibang musical instruments like kalimba, ukulele, flute at organ,” ayon sa ina ni Bechay.

Imahe mula sa Facebook account ni Baby Lourdes Villafuerte / Beybi Maula Villafuerte

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ang ganda-ganda naman babes ipa-frame mo, sayang baka mapunit hehehe,” mungkahi ng isang netizen na malapit sa kanila.

Turan naman ng isa, “Galing naman! Magaling siya mag-combine ng mga kulay. Good job!”

“Continue honing your skills Bechay! Congrats on these,” papuri naman isa.

Tunay ngang nakabibilib si Bechay, hindi ba?

Source :

Facebook

Loading…