“Gusto mo magsalita pero ‘di mo magawa”: Kim Chiu sa bagong CDO mula NTC

Image by Kim Chiu via Instagram
  • Kim Chiu, may takot na raw na nararamdaman para ipagtanggol ang ABS-CBN sa panibagong cease and desist order mula NTC
  • Ayaw man umano niyang isipin pero parang personalan na ang nagaganap
  • Isa si Chiu sa mga vocal supporters ng ABS-CBN

Aminado ang Kapamilya actress na si Kim Chiu na may takot na siyang nararamdaman para magsalita at ipagtanggol ang kanyang home network sa panibagong cease and desist order na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC) noong Martes.

Sa Instagram update ng Chinita Princess, ibinahagi niya ang pahayag ng ABS-CBN kaugnay sa pagpapatigil ng NTC sa paggamit ng network sa Channel 43 frequency para mag-broadcast ng Kapamilya programs.

Kapsyon ni Chiu, “Minsan mapapaisip ka na lang talaga. Gusto mo magsalita pero di mo magawa. May takot, kaba, trauma…. Nakakalungkot na pinagdadaanan ng lahat ng kapamilya ito.

“Ayoko man isipin pero parang personalan na… wala akong tinutukoy, eto lamang ay nasa isip ko lang… grabe lang. Grabe.”

Isa si Chiu sa mga vocal supporters ng ABS-CBN. Pero ang kanyang video message noong Mayo kung saan ikinukumpara niya ang pagpapasara sa network sa classroom rules ay umani ng samu’t-saring negatibong reaksyon mula sa mga netizens.

Nakabangon naman ito kalaunan at ginawan pa ng kanta ang kanyang statement. Naging novelty song ang “Bawal Lumabas” na nakapagtala kaagad ng 10 million views sa unang araw nito online.

Kim Chiu “lumabas” upang mamahagi ng relief kits at donasyon para sa mass testing

Ang mga kinita ng kanyang “Bawal Lumabas” ay ibinili ng relief kits para sa mga pamilyang naapektuhan ng lockdown at P300,000 para sa mass testing.

“Thank you po sa lahat ng sumuporta sa #BawalLumabasMerch! We were able to give food package sa 1,500 families and 300 thousand pesos for mass testing donated to ‘Shop and Share!’” aniya.

Wika ng aktres, mahalaga ang pagtanggap sa pagkakamali, harapin nang buo ang sitwasyon at mga taong nakapaligid, maging mabuting tao, ‘wag mawalan ng faith sa humanity at magtiwala sa Panginoon.

Loading…