Gwapong si Jimuel Pacquiao sumagot sa mga ‘thirst comments’ sa kanya ng followers

Image capture of video by Jimuel Pacquiao via YouTube
  • Jimuel Pacquiao, dahil gwapo ay pinagkakaguluhan ng mga kababaihan
  • Nagbigay siya ng komento sa mga thirst comments ng mga netizens
  • Sinagot din niya ang tanong kung “daks” ba siya

Hindi talaga matatawaran ang super kapogihan at masayahing awra ng anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao kaya’t hindi nakapagtataka na pinagkakaguluhan siya ng maraming babae.

Image by Jimuel Pacquiao via Instagram

Bukod sa pagiging athletic ay mapapansin din ang pagiging swabe ng style ng binata dahil isa rin itong modelo. Pero ang tanong, “dakz” ba ito?

Sa kanyang latest vlog, nagbigay ng komento si Jimuel sa mga thirst comments ng mga netizen fans kung saan isa nga sa kanila ay nagtanong kung “dakz” ba ang heartthrob.

Sagot naman ni Jimuel, darating din ‘yung tamang babaeng mamahalin niya at siya lamang ang makaaalam ng sagot.

“Well, secret. Siguro I’m confident naman in whatever I am. One day the right person will come along and only she will get to know the answer to your question.”

Marami pang netizen ang pumuri sa kapogihan ni Jimuel, may mga nagsasabing palagi siyang napapaniginipan, bahagi ng crush list at mayroon pa ngang mga nagsabing nakahanda silang maging bahagi ng pamilya Pacquiao.

“Thank you. Really, naguguwapuhan ba talaga kayo sa akin guys? So, guwapo ba talaga ako guys sa paningin ninyo? Hindi ako ang nagsasabi nito ah. I am reading the comments from people that commented on my Facebook,” sagot ng humble na binata sa isang komento.

Narito ang mga sagot niya sa mga tanong at komento:

Pinasalamatan naman niya ang mga thirst comments, pagmamahal at suporta ng mga netizens sa kanya.

Jimuel Pacquiao willing to date a poor girl, says social status doesn’t matter

So, ano nga ba ang kuwalipikasyon para maka-date si Jimuel? Sa naunang vlog nito, nasabi ni Jimuel na hindi basehan ang social status ng babae para mahalin niya ito.

Wika niya, “To me, love doesn’t really choose like if you fall in love with a girl. Like poor, average or rich. It doesn’t really matter.”

“For example, a rich girl can fall in love with a poor guy. If I fall in love with a girl that’s not really on the same status in life, then, that would be okay since we’re in love. It doesn’t really matter.”

Image by Jimuel Pacquiao via Facebook

Loading…