Halina’t magtanim at mag-alaga ng Aglaonema plant

  • Maraming mga netizens ang nabuksan ang kuryosidad hinggil sa isang ornamental na halaman
  • Ito ay tinatawag na “Aglaonema plant” na likas na tumutubo sa mga bansang tropikal
  • Tinatawag din itong “Chinese Evergreen” na pinaniniwalang nagdadala ng suwerte sa mga nagtatanim nito

Isa sa mga maaaring gawin ngayong community quarantine ang pagtatanim sa bakuran. Bukod sa nakapagdudulot pa ito ng balanse sa kalikasan, nakapagpapapawi rin ito ng di-magagandang pakiramdam at damdamin dulot na rin ng mga walang-katiyakang nangyayari sa ating paligid.

At speaking of pagtatanim, bakit hindi subuking magtanim ng isang kakaibang halamang ornamental na “Aglaonema?” Iyan ang ibinahagi at itinampok sa Facebook page na “Wisdom, Healing and Literature.” Ayon sa caption, “AGLAONEMA plants… air cleaner beauties. Bring joy to your heart and clean your dirty air.”

Imahe mula sa Facebook page na Wisdom, Healing, and Literature

Nagustuhan naman ito ng mga netizens. Tila kakaunti lamang ang nakakaalam hinggil sa pangalan ng kaakit-akit na halamang itong maaaring dinadaan-daanan lamang ng ilan sa kanilang bakuran.

“It’s so beautiful and colorful. I want to purchase this kind of plants. Thanks,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “It’s so beautiful, the colors are vibrant and everything. Are you guys selling this? If you are, where can I buy this? How much is it? Please answer, thank you.”

“I love Aglaonema. I already owned 3 varieties of it. Hope to collect some more varieties soon. Plants is life,” turan naman ng isa.

Ang Aglaonema ay isang “genus” ng flowering plants mula sa arum family na tinatawag sa biology na “Araceae.” Tipikal itong tumutubo at nabubuhay sa mga bansang tropikal sa kontinente ng Asya, at sa bansang Papua New Guinea. Kilala rin ang halamang ito sa ngalang “Chinese Evergreens.”

“Aglaonema have been grown as luck-bringing ornamental plants in Asia for centuries. They were introduced to the West in 1885, when they were first brought to the Royal Botanic Gardens, Kew. They have been cultivated, hybridized, and bred into a wide array of cultivars. They live in low-light conditions and are popular houseplants,” ayon sa mga eksperto.

Imahe mula sa Facebook page na Wisdom, Healing, and Literature

Ano pang hinihintay mo: itanim na ang Aglaonema plant sa inyong mga tahanan!

Loading…