Health frontliners dumanas ng diskriminasyon mula sa barangay officials; pinalayas sa tinutuluyang hotel

Imahe mula s PageOne
  • Health frontliners sa Bicol nakaranas ng diskriminasyon mula sa mga barangay officials
  • Binigyan ng mga opisyal ang health workers ng ultimatum upang lisanin ang tinutuluyang hotel
  • Naglabas ng saloobin sa Facebook ang isa sa mga dumanas ng diskriminasyon

Masama ang loob ng mga health frontliners sa Legazpi City, Albay sa Bicol Region matapos nilang dumanas ng diskriminasyon mula sa mga opisyal ng barangay na dapat sana ay nagpapatupad ng anti-discrimination ordinance para sa mga health workers sa gitna ng pandemya.

Imahe mula sa PIA

Isang frontliner mula sa grupo ng mga health workers mula sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) ang naglabas ng sama ng loob sa social media dahil sa dinanas nila mula sa mga barangay officials.

Ayon kay Irvin Sandia, isang Emergency Room nurse ng BRTTH, sumugod sa hotel na tinutuluyan nila ang mga barangay officials at binigyan sila ng ultimatum na lisanin ang hotel.

“Nasan ang hustisya…anti-discrimination ordinance… nasan ba ‘yun? Alam ba n’yo kung ano ang ginawa n’yo sa amin? Alam n’yo ba kung gaano kahirap sa part namin ang pagserbisyo sa mga pasyente, na mawalay sa pamilya at grabe ang sakripisyo namin para lang mapaglingkuran kayo?” simula ni Sandia sa kanyang post patungkol sa mga barangay opisyal na nagpaalis sa kanila sa hotel.

Aniya, hindi nila naramdaman ang mga sinasabing papuri para sa mga frontliners na katulad nila. Nilinaw rin niya na lahat sila sa grupo ay negatibo sa COVID-19.

Imahe mula kay Irvin Sandia

“Nagsasabi pa kayo na salute to the frontliners….nasan ‘yun? Hindi namin nararamdaman ‘yun tapos ganito gagawin n’yo sa amin. Kayo kaya ang nasa lugar naming? Pagod na po kami sa trabaho tapos bibigyan n’yo kami ng ultimatum para umalis agad agad. Alam n’yo ba kung gaano ka-stressful ito sa part namin? First and foremost lahat po kami ay negative ang result namin,” anang nurse.

Masama ang loob niya na naglilingkod na sila nang tapat ay diskriminasyon pa ang napala nila.

Sabi pa niya, sana hindi magkasakit ang mga taong nag-discriminate sa kanila dahil sila pa rin ang mag-aalaga sa kanila kung sakali.

Imahe mula sa Facebook account ni Irvin Sandia
Source :

Facebook, Tribune

Loading…