Heart Evangelista bumuwelta sa basher na nanlait sa kanyang kuko

Image by Heart Evangelista via Facebook
  • Heart Evangelista sinagot ang basher na lumait sa kanyang kuko
  • Sagot ni Evangelista: “ok Lang keysa ugali”
  • Sinuportahan naman ng maraming netizens ang reaksyon ng TV personality

Matapang na sinagot ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista ang komento ng isang basher sa kanyang Instagram post kamakailan kung saan sinabi ng huli na pangit daw ang kuko ng nauna.

Image capture from IG post by Heart Evangelista

Naganap ito makaraang ibahagi ni Evangelista ang kanyang pinakabagong artwork na terno ng kanyang stylish heeled sandals.

Kapsyon niya rito, “Matching with my work, of course! I’m so happy with how everything turned out. Thank you to everyone who helped me out! #MahalKongSorsogon.”

Maraming tagahanga ng TV personality ang pumuri sa obra at sa sandals nito pero may isang netizen na ang kuko naman ng aktres ang napagdiskitahan. Saad ng netizen, “Panget pala ng kuko mo.”

Bumuwelta naman dito si Evangelista at sinabing, “ok Lang keysa ugali.”

Suportado naman ng marami ang pahayag na ito ng TV personality.

Wika ng isang netizen, “Makapangit naman to! Mas pangit ‘yung kuko mo pati hita! Jusko! Naman, magpintas lang kung perpik.”

Sabi pa ng isa, “Salute you Miss Heart, ‘di po nakikita sa kuko ‘yung ugali kundi sa mabuting puso at ugali at marami kang natulungang estudyante.” Komento naman ng isa, “Ay teh, pasmado bibig mo?! Para mawala ‘yung sakit mo, try mo kumain ng kuko at magpatawas.”

Hindi ito ang unang pagkakataong sumagot si Evangelista sa mga bashers. Noong Abril ay sinagot niya ang pahayag ng isang netizen na panay raw ang post nito ng donation niya para i-boost ang kanyang ego.

Image by Heart Evangelista via Facebook

“My donations are not out for people to see. These are donations from companies and I post to show them for transparency,” sabi nito.

Dagdag pa niya,“Now go on to your real account and do something good. Maybe pray… in a room where no one will see you but God.”

Image by Heart Evangelista via Facebook

Loading…