Himok ni Gatchalian, K-12 graduates gawing contract tracers

Image by Senator Win Gatchalian via Facebook
  • Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang gobyerno na kuning contact tracers ang mga K-12 graduates
  • Baka maaari umanong gayahin ang Estados Unidos na kinuhang contact tracers kahit hindi college degree holders
  • Ang pagkuha ng mas batang populasyon para gawing contact tracers ay sinasang-ayunan ng International Labor Organization

Para mapabilis ang paghahanap sa mga mamamayang posibleng mayroong COVID-19 at magkaroon ng mapagkakakitaan ang mga kabataan, hinikayat ni Sen. Sherwin Gatchalian ang gobyerno na sanayin ang mga graduates ng K-12 curriculum para gawing contact tracers.

Image by Senator Win Gatchalian via Facebook

Sinabi nito na bagamat requirement ng Health Department na dapat may karanasang medikal ang mga hihiranging contact tracers, baka maaaring gayahin ang Estados Unidos na kinuha pati ang mga hindi college degree holders.

Ngayon umanong lumuwag na ang lockdown, malaki ang maitutulong ng mga ito para ma-identify at mahiwalay ang mga nahawang mamamayan na siyang magbubunsod para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

Sang-ayon ang pahayag na ito ni Gatchalian sa sinabi ng International Labor Organization na ang testing at tracing ay maaaring maibigay sa mas batang populasyon na apektado ng pandemya.

Matatandaang inanunsyo ng pamahalaan noong nakaraang buwan na nangangailangan ang DOH ng 94,000 contact tracers para matugunan ang ideal ratio na isa kada 800 tao.

Mass hiring ng contact tracers iminungkahi ni Finance Sec. Dominguez

Wika ni Department of Finance (DOF) Secretary Sonny Dominguez, kinakailangang mabigyan ng trabaho ang mga mamamayan upang magkaroon sila ng perang maipambibili.

“Our real problem is that the people are not buying things because their incomes have gone down. We must provide them the means of buying things. If they’re not buying things it’s useless to stimulate the companies,” ayon sa kalihim.

Suhestiyon ni Dominguez, kunin bilang contact tracers ang mga nawalan ng trabaho.

“You know we lost about 1.2 to 1.5 million jobs, temporarily lost but if we hire these guys to do contact tracing which we are having a hard time, I think we can provide good jobs to people.”

Loading…