Hindi dapat papanagutin ang kompanya kung magka-COVID ang empleyado – Sotto

Imahe mula Facebook - Sen. Tito Sotto
  • Nais ni Sen. Tito Sotto na proteksiyunan din ang kumpanya laban sa mga reklamong may kinalaman sa coronavirus
  • Ito ay bilang suporta na rin umano upang muling sumigla ang ekonomiya ng bansa
  • Saklaw ng proteksiyon sa nabanggit na panukala ang may-ari at mga opisyal ng kumpanya

Isinusulong ni Senate President Vicente Sotto III ngayon ang isang panukala na magbibigay proteksiyon sa mga employer kapag nahawa ng coronavirus ang kanilang empleyado habang nagtatrabaho.

Ganunpaman, nilinaw ni Sotto na ang Senate Bill No. 1515 o “Employer’s Liability Protection from Covid-19 Act” ay hindi saklaw ang iba pang krimen sa lugar na pinagtatrabahuan.

Imahe mula Facebook -Sen. Tito Sotto

Ang naturang panukala umano ay bilang suporta na rin sa mga kumpanya upang tulungang mapasiglang muli ang ekonomiya ng bansa.

“Employers and private establishment owners are aware of the risks their returning employees will face in the workplace and their responsibilities to their workers as employers,” wika ng senador.

Kailangan daw na proteksiyunan din ang mga employer laban sa posibleng kasong isasampa ng mga empleyado kapag sila ay nahawa ng COVID-19 sa kanilang lugar na pinagtatrabahuan.

“Small and mid-size enterprises (SMEs) will greatly benefit in this law. This will prevent the further depletion of their already exhausted resources in defending themselves against labor lawsuits in relation to COVID-19 infection of their workers,” anang mambabatas.

Imahe mula sa PNA

Sa ilalim ng panukalang batas, hindi maaring managot, habulin o sampahan ng reklamo ng mga empleyadong nahawa ng virus ang mga kumpanyang pinayagang magbukas ng gobyerno ngayong panahon ng pandemiya.

Ang nabanggit na proteksiyon ay hindi lang para sa mga may-ari ng kompanya kung hindi saklaw din nito ang kanilang mga opisyal.

Subalit kaakibat umano ng proteksiyong ito ang responsibilidad ng mga may-ari na ipatupad rin ang batas at protocol na may kaugnayan sa pag-iwas na kumalat ang coronavirus sa lugar na pinagtatrabahuan.

Loading…