Hindi screengrab lang! Sharon nag-selfie suot ang Rolex para buweltahan ang mga kritiko

Imahe mula sa Instagram at facebook
  • Pinatunayan ni Sharon sa kaniyang mga bashers na mayroon talaga siyang Rolex
  • Ibinahagi ni Megastar ang isang selfie na suot ang mamahaling relo
  • May patutsada rin siya sa mga hater na manood na lamang ng kaniyang pelikula

Nitong mga huling araw ay tila naging takaw-kontrobersiya si Sharon Cuneta sa social media matapos ang sunod-sunod na isyu na kinasasangkutan ng kaniyang anak na si Frankie, asawang si Senador Kiko at ang dating kaibigang manunulat na si Ronald Carballo.

Kamakailan lamang ay muling nag-trending ang Megastar matapos kuwestiyunin ng mga netizens kung kaniya nga ba ang relong Rolex na nasa larawang ibinahagi niya sa Instagram.

Marami ang inakusahan si Sharon na hindi naman daw niya pag-aari ang mamahaling relo at sa halip ay screen grab lamang ang larawan mula sa Instagram post Rolex Tel Aviv.

Imahe mula sa Instagram ni Sharon

Nag-post pa nga si Thinking Pinoy ng collage ng magkaparehong larawan para kuwestiyunin ang Megastar tungkol dito.

“Is Sharon Rolex Tel Aviv’s newest hand model, or did Sharon simply rip off Rolex Tel Aviv’s promotional photo?” tanong ni Thinking Pinoy.

Tinanggal na ni Sharon ang kaniyang Instagram post matapos umani ng komento mula sa mga bashers niya.

Sa kabila nito, hindi nagpatinag ang premyadong singer-aktres. At nito ngang Huwebes, nagbahagi ng selfie ang Megastar na suot ang nasabing Rolex.

“You mean people thought I just grabbed the pic of the wrist wearing the watch? Hahahaha! Que babaw. Good people are blessed – and not just with Rolexes! Unbelievable! But hilarious too!” anang caption ni Sharon.

Imahe mula sa post ni Thinking Pinoy

Nagpatutsada rin ang aktres sa kaniyang mgakritiko na panoorin ng mga ito ang kaniyang mga pelikula kung saan umano suot pa niya ang sariling mga alahas at mamahaling relo.

“Watch my old movies. In many where I played wealthy characters, I wore my own watches and jewelry as chosen by my Production Designer. Or watch Madrasta na lang if you don’t have gana to watch my other movies.1996 pa yon,” dagdag pa nito.

Mukhang palaban na talaga ngayon ang Megastar dahil aktibo na ito lagi sa social media upang ipagtanggol ang kaniyan pamilya sa mga kritiko.

Loading…