Home-based online English teacher applicants si Pia Wurtzbach ang nag-interview via Facebook live

Imahe mula sa 51Talk
  • Pia Wurtzbach, in-interview ang mga applicants para maging ESL teachers ng 51Talk via Facebook live
  • Siyam na pre-selected candidates ang kinausap ng dating Miss Universe
  • Sa susunod na buwan ay muling magsasagawa ng livestreamed interview si Pia para sa mga applicants
  • Ang 51Talk ay naghahanap ng 30,000 English online teachers

Nagsagawa ng kauna-unahang live stream interview sa Facebook si Pia Wurtzbach bilang bagong Philippine brand ambassador ng 51Talk, isang online English education platform. Daan-daang aspiring online English teachers ang nagpalista upang makasali sa online interview.

Imahe mula sa 51Talk

Ang Facebook live interview ay bahagi ng program ng 51Talk na imbitahan ang mga Pilipinong interesadong mapabilang sa 30,000 home-based teachers para sa English as Second Language (ESL) na hinahanap ng kumpanya.

Mahigit 70,000 ang nanood ng masaya at inspiring na livestreamed intereview kung saan nila higit na nalaman ang tungkol sa teach-at-home opportunities at matutunan ang application process na maaaring makumpleto sa loob lang ng tatlong araw.

Siyam na pre-selected candidates na may iba’t ibang backgrounds ang na-interview ng dating Miss Universe. Ibinahagi ng mga ito ang mga inspiring stories nila kung paano nakasumpong ng pag-asa sa 51Talk matapos mawalan ng kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic.

Ibinahagi ni  Paula, isang professional dancer at instructor na labing-apat na taon nang nagtatanghal at nagtuturo, na nakansela ang lahat ng klase at events niya dahil sa COVID-19 outbreak. Nang malaman niya ang oportunidad na alok ng 51Talk ay sinubukan niyang mag-apply dahil may teaching experience naman siya.

Imahe mula sa 51Talk

Ganoon din si Trina; isang professional events host na nawalan ng mga gigs dahil sa pandemya.

“While the situation we are in can be very disheartening, I decided to try out as a 51Talk teacher and I’m happy that I made it to this fun interview with no less than Miss Universe  Pia Wurtzbach!” masayang sabi niya.

Si Pearl naman ay isang flight attendant na nawalan ng hanapbuhay dahil sa ipinatutupad na travel restrictions. Nais niyang tulungan ang asawa upang magdagdagan ang income nila lalo na’t may isa na silang anak.

Aniya, kahit walang karanasan sa pagtuturo ay sinubukan niyang mag-apply gamit ang hiniram na laptop mula sa kapatid.

Ayon sa co-host ni Pia sa livestreamed interview na si Angelo Lex, isang 51Talk ESL teacher, very profitable ang maging ESL teacher na kumikita habang nasa bahay lang at maaari pang pumili ng sariling schedule sa pagtuturo.

Imahe mula sa 51Talk

Bukod pa roon, inanunsyo niya ang P20-million incentive program ng kumpanya exclusive para sa 51Talk teachers ngayong buwan.

Saya ang naramdaman ni Pia Wurtzbach sa unang batch ng interview niya.

“It’s a humbling experience to interview such incredible candidates from all walks of life, to hear their unique stories and to witness how talented and passionate they all are,” aniya.

Sa susunod na buwan ay muling magsasagawa si Pia ng online interview sa mga nais maging ESL teachers ng 51Talk. Sa mga gustong sumubok, magtungo lang sa website ng kumpanya – www.51Talk.ph.

Imahe mula sa 51Talk

Loading…