Home quarantine hindi na ipinapayo ng gobyerno sa mga taong may mild case ng COVID-19

Imahe mula sa City of Muntinlupa LGU
  • Home quarantine hindi na ipinapayo ng IATF para sa mga may mild case ng COVID-19
  • Kapag nagpositibo sa COVID-19 test ay dapat agad dalhin sa mga quarantine facilities ng pamahalaan
  • Mas malaki ang tsansa na mahawa ang mga kaanak kapag nag-home quarantine ang pasyente

Hindi na ipinapayo ngayon ng pamahalaan ang home quarantine para sa mga taong nagpositibo sa COVID-19 upang mabawasan ang panganib na maipasa ang mikrobyo sa ibang taong kasama sa loob ng bahay, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Imahe mula sa City of Muntinlupa LGU

Sa isang televised interview, sinabi ni Nograles, na tumatayo rin bilang co-chairman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, na mas mainam na dalhin sa mga quarantine facilities ang mga COVID-19-positive individuals.

“We are now discouraging ‘yung tinatawag na mag-home quarantine. Dapat facility quarantine na,” aniya.

Paliwanag niya, mas malaki ang tsansa na ang ibang kaanak ay mahawa sa COVID-19 kapag ang isang kapamilyang positibo sa naturang sakit ay nag-home quarantine lang, kahit na ito ay nag-isolate ng sarili sa hiwalay na silid.

“So we’re now shifting na kung mahawa, kahit asymptomatic, mas bibigyan ng priority na doon mag-facility quarantine. Anyway, marami pa naman tayong mga facilities na maka-accommodate ng mga mild cases. ‘Yun ang ating mas ifo-focus ngayon na hindi na masyado doon sa home quarantine. Kung merong mga cases, dapat facility quarantine na sila,”  pahayag ni Nograles.

Imahe mula sa Twitter account ni Karlo Nograles

Samantala, as of 4 pm noong Sabado, July 11 ay nakapagtala ang Department of Health ng 1,387 new cases ng COVID-19. Mayroon nang 54,222 total number of COVID-19 cases sa bansa. Ang 14,037 dito ay nakarekober na kaya’t ang active number of cases ay nasa 38,813.

Imahe mula sa DOH
Source :

GMA Network, MSN

Loading…