“I know people won’t forget this”: Anne Curtis nagsalita sa pagbasura sa ABS-CBN franchise

Image by Anne Curtis via Facebook
  • Naniniwala si Anne Curtis na hindi makakalimutan ng mga tao ang pagbasura sa ABS-CBN franchise
  • Nalulungkot umano siya sa mga apektado mula sa kanilang mga boss, mga empleyado, pati sa mga manonood
  • Nagpasalamat siya sa mga sumuporta at nagdasal para sa TV Network

Naghayag ng saloobin ang Kapamilya actress na si Anne Curtis makaraang ibasura ng House Legislative Franchise Committee ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa.

Image by Anne Curtis via Facebook

“It is indeed a very sad day. I know people won’t forget this,” ani Curtis na nalulungkot umano para sa lahat ng apektado nito mula sa kanilang mga boss, sa mga empleyado, at maging sa mga masugid nilang tagapanood.

Nagpasalamat din siya sa mga sumuporta at nagdasal para mabigyan ng panibagong prangkisa ang TV Network.

“I stay hopeful that this isn’t the end… A big hug to my Kapamilya Family. #KapamilyaForever,” saad pa nito.

Komento naman ng isang tagahanga sa post ng celebrity, “I love ABS-CBN and all the artists. Hope ABS-CBN is still there. We are hoping and praying na magbabalik po kayo. Super heartbreaking.”

Sabi naman ng isa pa, “Surely not the end. We will wait.”

Nagsimulang maging Kapamilya si Curtis noong 2004. Dito, lalo pang sumibol ang kanyang karera sa showbiz sa pamamagitan ng pagganap sa mga mahahalagang papel sa mga soap na Kampanerang Kuba, Maging Sino Ka Man, Diyosa, Dyesebel at marami pang iba.

Imahe mula sa video ng Kapamilya Trending via YouTube

Kasalukuyan siya ngayong host ng noontime show na It’s Showtime. Napapanood parin ang programa sa cable channel na Kapamilya Channel at social media accounts ng ABS-CBN.

House committee tuluyan nang ibinasura ang bagong prangkisa ng ABS-CBN

Ang pagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para magkaroon ng panibagong prangkisa ay naganap makaraang maglabas ng rekomendasyon ang technical working group na tanggihan ito, na sinundan ng botong 70-11 ng mga mambabatas pabor sa resolusyon ng TWG.

Maaari pa namang muling ipasa ang aplikasyon ng ABS-CBN sa pamamagitan ng mga mambabatas na pabor dito pero dadaang muli sa kaparehong proseso.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Loading…