“If we only have a leader and not a ruler”: Kim Chiu may message sa mga kasamahang nawalan ng trabaho

Image by Kim Chiu via Facebook
  • Kim Chiu naging emosyonal para sa mga kakilalang natanggal sa trabaho dahil sa hindi na-renew na ABS-CBN franchise
  • Aniya, bakit daw kailangan nila itong pagdaanan at sa gitna pa ng pandemya
  • Kim: “Paano na ang kinabukasan ng kanilang mga pamilya? Paano na sila?”

Naging emosyonal ang Chinita Princess na si Kim Chiu para sa mga kakilala niya na natanggal sa trabaho makaraang hindi maaprubahan ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal; aniya, kung may magagawa lamang siya para matanggal ang sakit ay gagawin niya.

Image by Kim Chiu via Facebook

Pahayag niya, “We are we experiencing this?! Why are they doing this to us?! If only those 70 congressmen and women have the heart to do what is right. If only we have a leader and not a ruler.

“It pains me that we are experiencing all these at the midst at the same time in the middle of a pandemic. Wala kang magagawa. Ang daming nangyayari.”

Papaano na, aniya, ang mga breadwinner, single mom, padre de pamilya at iba pang tumutustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya lalo pa’t mahirap ang sitwasyon ngayon at hindi ganoon kadali para sa kanila ang maghanap ng panibagong pagkakakitaan.

Nakakalungkot, nakakaiyak at nakakatakot, sabi ni Kim, ang mga nangyari. “Bakit naging ganito ang bansa natin? Mahigpit na yakap mga kapamilya ko! Mahal ko kayo! Hindi tayo susuko!”

Inalala din ng aktres ang naging reaksyon ng kanilang mga kasamahan nang pinapanood nila ang desisyon para sa ABS-CBN franchise noong July 10 habang nasa taping ng soap na Love Thy Woman. Sabi nito, napatulala silang lahat, nagulat at hindi makapaniwala — hindi alam kung ano ang nararamdaman.

Image capture from Instagram post by Kim Chiu

Natulala man sila, pagpapatuloy nito, nakita niya ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ng kanilang kasamahan.

“Paano na ang kinabukasan ng kanilang mga pamilya? Paano na sila?” sabi niya.

Image by Kim Chiu via Facebook
Source :

Instagram

Loading…