Ikaw rin ba ang tipong “madaldal sa chat, tahimik sa personal?”

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang larawan sa isang Facebook page
  • Makikita ang larawan ng dalawang chatmates na nagkita o eye ball ngunit nagkakahiyaan naman sa pag-uusap sa isa’t isa
  • Nagbahagi naman ng kanilang karanasan ang ilang mga netizens hinggil dito

Ikaw ba ang tipo ng taong “madaldal sa chat subalit tahimik naman sa personal?”

Sadyang may mga tao na napakahusay magsalita at magkuwento sa text o chat subalit kapag nakipagkita na, tila nauumid ang dila sa pagsasalita; tipong mapapanisan ng laway. Iyan ang ibinahagi sa Facebook page na “Rant” kung saan makikita ang larawan ng dalawang chatmates na nagkita o eye ball ngunit nagkakahiyaan naman sa pag-uusap sa isa’t isa.

Imahe mula sa Facebook page na Rant

“Yung ang daldal ninyo sa chat tapos nagkita kayo in person,” ayon sa caption ng naturang post.

Marami naman sa mga netizens ang “relate-much” dito kaya nagbahagi sila ng kani-kanilang mga karanasan hinggil dito.

Turan ng isa, “Hahaha, naaalala ko pa noong nagkita kami ng Ex ko, Kung ano-ano ang sinasabi namin sa text. Lahat na yata nasabi na namin sa isa’t isa. Hanggang sa mapagpasyahan naming magkita sa isang mall sa North EDSA. Hindi kami nagkikibuan hahaha. Kaya nanood na lang kami ng sine, at least doon hindi ka required makipag-usap.”

“Hay naku, ganiyan din kami noong una ng asawa ko. Hindi kami nag-usap masyado sa unang meet up namin. Actually nga tinaguan ko siya noon hahaha,” kuwento naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Normal naman ang magkahiyaan pa kayo sa unang beses ninyong pagkikita. I could say na ibang-iba talaga ang senaryo at sitwasyon sa chat o written communication kaysa sa oral communication hehe. Sa personal kasi, maiilang ka na dahil hindi ka na makakapagsinungaling hahaha.”

Public Domain Image

Ayon sa mga eksperto, sadyang magkaiba ang pasalita at pasulat na komunikasyon. May mga tao talagang magaling sa pagsasalita ngunit hindi makapagpahayag sa panulat; habang may mga tao namang nakapahusay sa panulat ngunit hindi mahusay magsalita.

Ikaw, naranasan mo na rin ba ang ganitong sitwasyon?

Source :

Facebook

Loading…