Ilang kilalang personalidad ng ABS-CBN, kasama sa mga unang tatanggalin

Imahe mula sa ABS-CBN
  • Ilang kilalang personalidad ang nagkumpirmang kasama sila sa unang matatanggal
  • Kasama na dito ang mga batikang broadcaster na sina Korina Sanchez at Ces Drilon
  • Kinumpirma din ni DJ Chacha ang pagsasara ng FM radio station na MOR 101.9

Ilang kilalang personalidad sa ABS-CBN ang kabilang sa mga unang mawawalan ng trabaho matapos mabigo ang Kapamliya network na makakuha ng panibagong prangkisa noong Hulyo 10.

Nitong nakaraang Miyerkules, nag-anunsiyo ang ABS-CBN Corp. na magsisimula na silang magtanggal ng empleyado simula Agosto 31, 2020 dahil magsasarado na ang ilan sa kanilang mga negosyo.

IMahe mula sa Twitter ni Ces Drilon

Kasama sa unang mga naapektuhan ay ang mga batikang broadcaster na sina Korina Sanchez at Ces Drilon.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Korina kung paano sila personal na ipinatawag isa-isa para alamin ang kanilang masakit na kapalaran.

“We are called one by one, personally, to be told that we are ‘discontinued.’ Not news to me. I tried to be prepared. But how can you prepare for comatose, or death, really?” bahagi ng misis ni Mar Roxas.

Imahe mula sa Facebook ni Korina

Tanggap man niya umano ang nangyari, ayon kay Korina, naging mahirap naman daw ito sa iba niyang kasamahan na walang ibang mapagkukunan ng kabuhayan.

“We have yet to see how it settles. This is, and will continue to be, painful,” dagdag pa ng ‘Rated K’ host.

Maging si Ces Drilon ay inilabas din ang pagdadalamhati matapos mapasama sa unang bugso ng tanggalan.

“This was one of the toughest days I had to face. Telling fellow Kapamilyas that they would lose their jobs by [the] end of August. I lost mine, too,” ani Drilon na nakilala sa mga programang “The World Tonight”, “TV Patrol” at “Bandila”.

Imahe mula sa ABS-CBN

Ganun pa man, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang beteranang broadcaster. Aniya, “Babangon din ang mga Kapamilya. This may be our darkest hour. But don’t lose hope.”

Kasama rin ang FM radio station na MOR 101.9 sa naapektuhan; ito ang kinumpirma ni Czarina Balba, o mas kilala bilang DJ Chaha.

“One of the lowest points of my life. I still can’t believe I have to say goodbye to my first love. My forever love. My dream job. 12 years,” ani DJ Chacha.

Imahe mula sa Facebook ni DJ Chacha

Dagdag pa ng co-anchor ni Ted Failon sa ‘Failon Ngayon’, hindi lang ito tungkol sa trabaho o pera kung hindi sa labis na pagmamahal niya sa istasyo kung saan siya nakilala at sumikat.

Marami ring empleyado ng mga regional branches ng ABS-CBN ang nagpahayag ng kalungkutan dahil sa napipintong pagsara ng kanilang istasyon. Subalit higit sa anupaman, mas pinangangambahan nila kung saan na ngayon maghahagilap ng kabuhayan dahil mawawalan na sila ng trabaho simula sa Setyembre.

Loading…