Ilang restaurants sa NAIA pinatatanggal ni Pang. Duterte upang lagyan ng upuan para sa mga stranded passengers

Screenshot mula sa "24 Oras"
  • Ilang restaurants sa NAIA nais ipatanggal ni Pang. Duterte upang makapaglagay ng maraming upuan para sa mga pasahero
  • Binatikos ng Pangulo ang disenyo ng NAIA na kulang umano ang espasyo para sa mga upuan
  • Inutusan ng Pangulo ang DILG na pakainin at bigyan ng matutulugan ang mga LSI sa labas ng NAIA

Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Transportation (DOTr) na alisin ang ilang restaurants sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang makapaglagay ng mga upuan para sa mga standed na pasahero.

Screenshot mula sa PTV

Sa televised briefing noong Martes, June 30, binatikos ni Pangulong Duterte ang disenyo ng NAIA na kulang ang espasyo para sa mga upuan na magagamit ng mga pasaherong naghihintay ng kanilang flight. Nakita niya raw ang ilang larawan ng mga stranded passengers na nasa mga waiting sheds at sidewalks malapit sa airport.

“I’d like to call the attention of Secretary Tugade. Art. ‘Yang airport na yan, kung sino nag-design niyan, g***. Sabihin mo sa kaniya, ‘Walang upuan. Iilan lang ang upuan. Kapag ang flights nagpatong, ‘yung iba nakatindig sa…What’s really worse is that meron diyang restaurant sa labas na malaki,” sabi ni Pangulong Duterte.

“‘Di paalisin mo ‘yung restaurant lagyan mo ng upuan kasi ‘yung iba mga mayroong mga bata, buntis, walang upuan,” utos pa ng Pangulo kay Transport Secretary Art Tugade.

Partikular na sinabi ni Pangulong Duterte kay Sec. Tugade na kung posibleng ma-terminate ang kontrata ng ilang restaurants ay i-terminate ang mga iyon.

Imahe mula sa Business Mirror

“Art, lagyan mo ng silya lahat ‘yan. Iyang restaurant diyan kung ma-terminate mo contracts, terminate them because I need them to sit the passengers waiting. Nandiyan lahat eh,” anang Pangulo.

Inutusan din ni Pangulong Duterte si Secretary Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government na bigyan ng matutulugan at pakainin ang lahat ng mga locally stranded individuals (LSI) sa labas ng NAIA.

“I would like to remind si General Año to gather all na naghihintay na walang matulugan, matirhan, at nandiyan sa labas ng NAIA, you will be transported to a place. I will pay, just bill me, pati pagkain,” sabi ni Pang. Duterte.

Imahe mula sa CNN PH

Karamihan sa mahigit isang libong LSI ay nagtungo sa NAIA dahil sa maling balita na may libreng domestic flight na maghahatid sa kanila sa mga probinsya. Ang ilan naman sa kanila ay nakabili ng plane ticket subalit nakansela ang flight dahil sa pandemya.

Loading…