Ilang senador nais paimbestigahan ang ‘under-the-table’ na buwis ng POGO

Imahe via Facebook
  • Nais ng ilang senador na imbestigahan ang ‘under’the-table’ na buwis ng POGO
  • Para kay Sen. Villanueva, kumpirmasyon ito ng ilegal na gawain ng mga POGO
  • Dapat din daw makialam na ang Blue Ribbon committee, ayon kay Pangilinan

Nais paimbestigahan ng dalawang mambabatas sa Mataas na Kapulungan ang ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., tungkol sa diumano’y ‘under-the-table’ na pagbabayad ng buwis ng mga POGO sa bansa.

Para kay Senador Joel Villanueva, ang ibinunyag ni Locsin ay kumpirmasyon lang umano sa ilegal na gawain ng mga POGO.

Imahe via Facebook| Sen. Joel Villanueva

“The statement of Sec. Locsin confirms the illegal activity of POGOs in the country. If they are not paying taxes in BIR, then they are not paying taxes,” ani Villanueva, ang committee chairman ng Senate Committee on Labor.

Dapat din daw imbestigahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nasabing alegasyon at alamin kung sino ang tinutukoy ni Locsin na ‘collector’ sa tweet.

“The BIR should collect the unpaid taxes and investigate this ‘unnamed’ collector,” patuloy ng senador.

Sen. Francis Pangilinan| Imahe via Facebook

Ayon naman kay Senador Francis Pangilinan, dapat umanong imbestigahan ito ng Senate Blue Ribbon Committee. Subalit duda naman ang mambabatas kung makikialam ang Palasyo sa imbestigasyon.

“But given its track record of repeatedly clearing its appointees even before any investigation is undertaken and sweeping allegations of wrongdoing involving its people under the rug, I am no longer expecting Malacanang to look into these allegations of corruption,” ani Pangilinan.

Sa isang tweet nitong Huwebes, sinabi ni Locsin na ‘under-the-table’ kung magbayad ang mga POGO at karaniwan ay sa pamamagitan ito ng isang hindi pinangalanang kolektor.

Imahe screenshot via Twitter

“Usually they line up in a revenue office and pay up but this was special: collector whose affiliation to any department was kept a mystery turned up himself like home pick up,” sabi ng tweet ng kalihim.

Tinatayang aabot sa P50-B ang buwis na hindi nakokolekta ng gobyerno mula sa mga POGO.

Sa pinakahuling panayam kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iginiit ng opisyal na patuloy na hahabulin ng gobyerno ang mga POGO na hindi nagbabayad ng buwis kahit pa umano magsara na ito at umalis sa bansa.

Loading…