Ilang senador suportado ang rekomendasyon na ibalik ang Metro Manila sa ilalim ng ECQ

Imahe mula sa PNA
  • Muling pagsasailalim ng Metro Manila sa istriktong quarantine inirekomenda ng mga health experts
  • Suportado ng ilang senador ang rekomendasyon
  • Sinabi ng Depatment of Health na ang Metro Manila ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 infection

Sinabi ng Malacañang na hindi pa kinukonsidera ng pamahalaan na ibalik sa pinakaistriktong enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, subalit oobserbahan umano nito ang mga mangyayaring kaganapan sa mga susunod na araw kung kakailanganin ng adjustment sa quarantine measures na ipinaiiral.

Imahe mula sa PNA

Matatandaang inirekomenda ng UP experts na ibalik sa mahigpit na modified ECQ ang Metro Manila mula sa ipinaiiral na general community quarantine (GCQ) dahil sa patuloy na pagdami ng COVID-19 cases sa rehiyon.

Ang GCQ ay patuloy na iiral sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng buwan ng Hulyo.

Sinabi ni dating National Task Force Adviser na si Dr. Tony Leachon na hindi epektibo ang kasalukuyang istratehiya sa pagtugon sa outbreak kaya may merito ang rekomendasyon na ibalik ang mas istriktong community quarantine.

Si Senate President Tito Sotto III ay nagpahayag ng suporta sa rekomendasyon.

“I will agree to the suggestion. Ako, personally, papayag ako doon sa sinasabi na ibalik sa ECQ ‘yong mga areas lang na malala, na hindi nag-i-improve o hindi nagko-cooperate,” pahayag ng senador.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Tito Sotto III

Aniya, dapat talaga ang ECQ dahil sa katigasan ng ulo ng maraming mamamayan.

“Sa atin nga sinisita lang dahil walang mask, nagagalit pa, ‘di ba? Ang tigas ng ulo ng mga kababayan natin tapos sasabihin huwag i-ECQ.  Doon sa area na matitigas ang ulo, dapat talaga ECQ,” mariing pahayag pa ni Senator Sotto.

Suportado rin ni Sen. Joel Villanueva na ibalik sa ECQ ang Metro Manila lalo na’t ang mga ospital ay puno na ng  mga COVID-19 patients.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Joel Villanueva

“I am not sure if we are on a way to relaxing this GCQ. In fact, it is also worth considering to go back to ECQ. Looking at the numbers, I will not be surprised if we will go back to ECQ. If we go back there, then I will support it,” aniya.

As of July 20, mayroon nang 68,898 total COVID-cases sa bansa ayon sa Department of Health. Ayon sa ahensya, ang Metro Manila ang may pinakamaraming COVID-19 cases sa buong bansa.

Loading…