Imported yan! Mayor Vico namigay ng Pepero kasama ng ayuda sa mga residenteng naka-lockdown

Imahe mula sa Facebook at Twitter
  • Ilang Pasigueños na naka-lockdown nakatanggap ng Pepero kasama ng kanilang ayuda
  • Umani naman ng papuri mula sa mga netizens si Pasig City Mayor Vico Sotto
  • Inilagay ang ilang barangay sa lungsod sa localized lockdown dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19

Trending na naman sa social media si Pasig Mayor Vico Sotto dahil sa pamimigay ng imported snack kasama sa mga ayuda para sa residente ng ilang barangay sa lungsod na naka-localized lockdown.

Matapos ibahagi ng isang netizen ang larawan ng kanilang mga natanggap na ayuda, nire-tweet naman ito ng alkalde na kilalang aktibo sa social media.

Screenshot mula sa Twitter

“Para di na po kayo lumabas!!! Kung sumunod tayong lahat mas mabilis din po matatapos ang Localized ECQ sa inyo. Ingat po at God bless!” wika ng butihing mayor.

Ang hindi nakaligtas sa mga netizens ay ang isang box ng Pepero; isang kilalang imported na pretzel stick na paborito ng mga kabataan ngayon.

Dahil dito umani ng papuri mula sa mga netizens si Mayor Vico na tuwang-tuwang sa kakaibang ayuda na natanggap ng mga Pasigueños.

Ito ang ilan sa mga komento:

“Mayor thank u po ha . In my 23 yrs of existence now lang ako nakatanggap ng ayuda na may pepero ahah.”

“Salamat po Mayor @VicoSotto dami po Vitamin C at sa Peppero po hehe.”

“Legit ung may pa-pepero and tuyo?? Ang saya! Bakit parang nasa ibang mundo ang Pasig?? Oh well, Pasiguenos, you are reaping what you sow.”

“Bakit ang daming pera ng Pasig??”

Screenshot mula sa Twitter

“Ang galing ng budgeting process niyo 🙂 You gave Pasig Supplemental Sap, purchased equipments for Covid, tapos you will give gadgets to students tapos well distributed food  and many more 🙂 :)”

Meron ding hindi naiwasan na ikumpara pa si Mayor Vico sa isang sikat ding alkalde sa Metro Manila.

“This is why Vico is better than Isko. People should stop praising him.”

Nitong Lunes, inilagay ni Mayor Vico ang Barangay Dela Paz sa localized lockdown dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lugar. Ilan pa sa may kaparehong lockdown ay ang mga Pipino, Labanos, Okra, at Ubas Street sa Barangay Manggahan.

Loading…