Inilalagay mo rin ba ang fries sa ice cream?

  • Kinatakaman ng mga netizens ang isang larawan ng pagkain na kadalasang kabilang sa “happy meal” sa fast food chains
  • Ito ay ang pinagsamang French fries at ice cream
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Dalawa sa mga paboritong inoorder ng mga mahihilig sa “fast food” ang French fries at ice cream. Hindi kompleto ang isang “happy meal” kung wala ang mga pagkaing ito. Kung ang fries ay nilalagyan na rin ng mga flavor bukod sa plain nitong bersyon, at ang ice cream ay inilalagay sa softdrink upang makabuo ng “Coke float,” maaari din namang pagsamahin ang fries at ice cream!

Iyan ang ibinahagi sa Facebook page na “Rant” kung saan makikita ang larawan ng “McFlurry ice cream” na nilagyan ng fries, na karaniwang ginagawang eksperimento sa mga pagkaing ito.

Imahe mula sa Facebook page na Rant / Public Domain Image

Marami sa mga netizens ang talaga namang natakam dito.

“Wow! This is one of my favorites! Bumibili talaga ako ng maraming-maraming fries and ice cream tapos inilalagay ko sila sa isa’t isa. Nagbe-blend kasi ang lasa ng tamis at alat kaya masarap kainin,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Nakakamiss nang kumain ng fries with ice cream samahan pa syempre ng malamig na cola! Sana matapos na ang community quarantines para makakain na nito.”

Tunay na masarap nga namang pagsamahin ang fries at ice cream subalit tandaan, lahat ng labis ay nakasasama lalo na sa kalusugan. Huwag namang araw-arawin sapagkat ayon sa pag-aaral mula sa American Journal of Clinical Nutrition, ang mga taong kumakain ng pritong patatas, dalawang beses sa loob ng isang linggo ay mataas ang panganib sa pagkakaroon ng malubhang karamdaman.

Isa sa mga halimbawa nito ay ang French fries at hash brown. Dahil sa ito ay deep fried, mataas ang saturation fat nito at antas ng asin o alat na maaaring pagmulan ng iba’t ibang sakit. Kung ito naman ay kakainin ng nilaga o isinahog sa nilaga at iba pang mga putahe, hindi naman ito nakasasama. Mayaman kasi ito sa carbohydrates.

Public Domain Image

Bagama’t nakapagpapapawi sa init ng pakiramdam, ang ice cream naman ay masyadong mayaman sa tamis kaya hinay-hinay rin sa pagkain nito. Ayos lamang mag-enjoy sa pagkain subalit laging tatandaan, eat in moderation!

Loading…