International flights sa NAIA Terminal 3, balik-operasyon sa Miyerkules

  • International flights sa NAIA Terminal 3, balik-operasyon na sa Miyerkules
  • Ipinagbawal ng gobyerno ang international travel noong Marso para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19

Magbabalik-operasyon na ang mga international flights sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula Miyerkules, ayon sa pinakabagong abiso mula sa Manila International Airport Authority (MAIAA).

Pahayag ng MAIAA, “After temporarily closing its doors in March 28 this year, NAIA Terminal 3 will finally open its gates to resume international flight operations beginning 12:01AM of July 8, 2020.”

Matatandaang ipinagbawal ng pamahalaan ang international travel noong Marso para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 pandemic.

Pinayagan pa rin naman noon na makapasok sa bansa ang mga eroplano na lulan ang mga nagbabalik na Filipino citizens at mga kapamilya nila, Filipino migrant workers, permanent residents at diplomats.

Kasama sa mga flights na magre-resume na ang operasyon ang All Nippon Airways, Air Asia Berhad, Cathay Pacific, Emirates, KLM Royal Dutch Airlines, Qatar Airways, Singapore Airlines at Turkish Airlines.

Pero sa kaparehong terminal, hindi pa pinapayagang muling makalipad internationally ang Cebu Pacific, Delta Air, Qantas Airways, at United Airlines.

Mananatili naman sa Terminal 1 ang mga flights na orihinal na naka-assign sa Terminal 1 habang tuloy pa rin ang operasyon ng Terminal 2 para sa international arrival flights ng Philippine Airlines. Suspendido pa ang operasyon ng Terminal 4.

Dagdag ng MAIAA, tuloy ang domestic operations at sweeper flights ng Cebu Pacific, Cebgo, Philippines Air Asia at Air Swift para sa flights mula at pabalik sa NAIA Terminal 3 samantalang ang Philippine Airlines at PAL Express ay pinapayagan mula at pabalik sa NAIA Terminal 2.

Palasyo dumistansiya sa panukalang palitan ang pangalan ng NAIA

Naging kontrobersyal kamakailan ang panukalang inihain ni Davao City Rep. Paolo Duterte na baguhin ang pangalan ng NAIA at gawing “Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.”

Dumistansya dito ang Palasyo at sinabing bahala na ang Mababang Kapulungan kung kailangan ng batas para mapalitan ang pangalan ng NAIA.

Rep. Paolo Duterte| Imahe mula sa Facebook

Loading…