‘Iringan’ sa pagitan nina Vivian Velez at Isabel Rivas sumiklab

Imahe mula sa Facebook at IMDB
  • Nagpasaring sa isa’t isa ang mga beteranang aktres na sina Vivian Velez at Isabel Rivas
  • Ito ay matapos ang sunod-sunod na post ni Velez na tila natuwa sa nangyaring botohan
  • Tinawag ni Rivas na ‘walang kuwentang tao’ at ‘ingrata’ si Velez

Kahit sa pagitan ng ilang mga celebrity, hati rin ang opinyon tungkol sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Kamakailan lamang ay nagpalitan ng pasaring ang mga beteranang aktres na sina Vivian Velez at Isabel Rivas.

Si Velez ay kilalang masugid na taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kaniyang mga social media post matapos ang botohan noong Biyernes, tila nagbubunyi ang aktres sa pagkakabasura ng prangkisa ng network.

Imahe mula sa Facebook ni Vivian Velez

“Thank you Congress. You did good for the country,” ani Velez na sinundan pa ng “Today…We made history! 70-11.”

Pinuri ni Velez ang 70 kongresista na bumoto laban sa Kapamilya network.  Tinawag niya ring bagong ‘crush ng bayan’ si Rep. Marcoleta noong Hulyo 9.

“The rule of the majority. That’s how democracy works. Thank you to the magnificent 70 for connecting the dots. #bestofCongress.”

“Ang bagong crush ng bayan, Cong. Marcoleta with an epic parting words…”

Tila hindi naman nakatiis si Isabel Rivas na tinawag na ‘walang kuwentang tao’ at ‘ingrata’ si Vivia Velez sa kaniyang mga patutsada.

Imahe mula sa You Tube

“Walang kwentang tao talaga ito, sexy ka lang nung araw pero no brains ka talaga…,” ani Rivas.

“[Nanaba] na lang sana utak mo ng may natira ka pang industria na rerespeto sa’yo… Adding insult to injury ka pa dyan sa mga umiiyak na nakatrabaho mo, wala ka talagang kahihiyan… ingrata!!!” wika ng aktres sa isa pang post.

May pahiwatig din si Rivas na tila matagal na silang may samaan ng loob ni Velez: “45- years kitang kilala, akala ko ako lang aapihin mo, hindi mo pala alam talaga salitang kaibigan noh!!!”

“True character on display here Vivian Velez… empathy man lang sana natutunan mo!!”

Imaeh mula sa Facebook ni Vivian Velez

Sa pinakahuling post ni Velez sa kaniyang socmed account, bagama’t hindi tuwirang tinukoy nito si Rivas, ay may pasaring din.

“Dating ‘ingiterang’ actress friend, putak ng putak at minumura ako dahil DDS daw ako. Tumitira ka pa rin ng palaka? #maTOKHANGkaSANA,” anito.

Si Velez ay dating kasali sa Kapamilya teleserye na ‘Tubig at Langis’ subalit bigla itong nagpaalam matapos makaalitan si Cristine Reyes. Siya ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang director-general Film Academy of the Philippines (FAP).

Loading…