It’s a baby girl! Iya Villania-Arellano isinilang na ang ikatlong anak

  • Nagsilang ng baby girl ang celebrity-host na si Iya Villania-Arellano
  • Ibinahagi ito ng kaniyang mister na si Drew Arellano na isa ring celebrity-host
  • Pinangalanan nila itong Alana Lauren Arellano

Masayang-masayang ibinalita ng celebrity-host na si Drew Arellano na nagsilang na ang kaniyang misis na si Iya Villania-Arellano nitong Hulyo 18, 2020.

Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram post, ipinakita ng proud dad na si Drew ang larawan ng kanilang bagong silang na baby na si Alana Lauren Arellano, ang pangatlo nilang suplingk. May dalawa na silang anak na lalaki.

Imahe mula sa Instagram post ni Drew Arellano / Iya Villania-Arellano

Batay naman sa Instagram account ni Iya, ipinakita niya sa My Story ang kaniyang mga larawan habang nasa ospital. Makikitang nakasuot pa rin si Iya ng face shield at face mask bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Matatandaang naunang inihayag ng celebrity couple noong Enero 2020 na magkakaroon na sila ng ikatlong anak. Matapos ikasal noong 2014, biniyayaan sila ng dalawang anak na lalaki na sina Primo at Leon.

Kaagad namang nagpaabot ng pagbati ang mga kaibigan at kasamahan nila sa showbiz.

Ilan sa mga ito ay sina JC De Vera, Doug Kramer, Dominic Roque, John Prats, Bianca Gonzales, Gretchen Ho, Phoemela Baranda, Xander Angeles, Jessy Mendiola, at Anne Curtis.

Umani rin ito ng pagbati mula sa mga netizens.

“Welcome to the new normal world Alana Lauren… Congratulations to the proud parents!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Congrats Iya and Drew. What an exciting family! Have grown so fast. Welcome to the world baby Alana!”

“Finally it’s a bouncing baby girl! Congrats to the both of you,” pagbati naman ng isa.

Imahe mula sa Instagram post ni Iya Villania-Arellano

Wika naman ng isa, “Wow it’s a girl na, congratulations Iya Villania -Arellano and Drew Arellano! Sabi niya last time feeling niya it’s a boy again, baligtad, girl pala… you are blessed… congrats!”

Ang mag-asawang sina Iya at Drew ay parehong host ng Kapuso Network. Si Iya ang host ng “Chika Minute” ng 24 Oras habang si Drew naman ay host ng “Aha!” at “Biyahe ni Drew.”

Loading…