Ivana Alawi ibinahaging may nag-alok sa kaniya ng private jet para kumain sa Japan

Imahe mula sa YouTube | Ivana Alawi
  • Ibinahagi ni Ivana Alawi na minsan nang may nagyaya sa kaniya na pumunta sa Japan sakay ng private jet para kumain doon ng Japanese food na hinahanap niya noon
  • Tinanggihan ito ni Ivana dahil hindi maganda ang dating nito para sa kaniya
  • Paliwanag niya pa, hindi siya madadala ng mga manliligaw sa magagarbong mga bagay

Minsan nang may nagtangkang manligaw sa aktres na si Ivana Alawi sa pamamagitan ng pagyaya sa kaniyang pumunta sa Japan sakay ng private jet.

Imahe mula sa YouTube | Ivana Alawi

Ibinunyag ito ng kapatid niyang si Mona Alawi sa isang vlog na ginawa nila kung saan sinagot nila ang mga tanong ng netizens habang nag-mu-mukbang.

Isang follower ang nagtanong tungkol sa pinakabonggang naging manliligaw ni Ivana. Ani Mona, may isang lalaki na nagyaya kay Ivana na pumunta sa Japan nang minsang mag-crave ito ng Japanese food.

“That time, gusto kong kumain ng Japanese food. Nag-crave ako tapos nag-post ako ng Japanese food. Matagal na siyang nagdi-DM sa Instagram. Sabi niya, ‘Puwede ba kitang ligawan? Sunduin kita ng private jet. Tapos punta tayo ng Japan tapos kakain tayo,’” pagbabahagi ni Ivana.

Imahe mula sa Instagram | Ivana Alawi

Ngunit hindi raw sumama si Ivana at ni-reject ang manliligaw dahil hindi raw siya nadadaan sa mga mamahaling bagay.

“Sa tingin mo sasama ako sa’yo papuntang Japan dahil lang may jet ka? No. Ito lang ang masasabi ko, hindi porque may pera ka, makukuha mo ang lahat ng gusto mo,” aniya.

“Sometimes you just have to be good to people. You have to be friendly. Kung gusto mong makipagkaibigan, makipagkaibigan ka pero hindi porque may jet ka, lahat ng babae sasama sa’yo. Ibahin mo ako.”

Dagdag pa ni Ivana mas gusto niya iyong mga simpleng bagay. “You have to make ligaw muna to me or to be friends with me but hindi ako sasama sa’yo dahil lang may jet ka at kaya akong pakainin sa Japan.”

Panoorin dito ang vlog:

Source :

YouTube

Loading…