Iwas-Covid: SSS nagpatupad ng number coding upang makontrol ang bilang ng walk-in transactions

Imahe mula sa UNTV
  • Nagpatupad ng number coding system ang SSS
  • Ito ay upang makontrol ang dami ng mga walk-in transactions sa mga branches nito
  • Ibabatays sa huling digit ng SS number ang schedule ng pagtungo sa branch

Sa kabila ng umiiral na COVID-19 crisis sa bansa, mapapansin na patuloy ang pagdagsa ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa mga branches nito para sa iba’t ibang transaksyon.

Screenshot mula sa GMA video

At dahil sa ipinatutupad na minimum health standards sa lahat ng establisimyento tulad ng social o physical distancing ay nagiging sobrang haba ng pila sa mga SSS branches. Kadalasan, maraming miyembrong nakapila ang hindi na napagsisilbihan dahil inabot ng “cut off” kaya pinababalik na lang sa ibang araw.

Kaugnay nito, nagpatupad ang ahensya ng number coding system at modified service procedure sa paghawak ng mga transaksyon sa 61 branches nito kabilang ang lahat ng branches sa Metro Manila. Ito ay upang makontrol ang bilang ng mga walk-in transactions.

“The new procedures aim to regulate the number of people transacting in SSS branches amid the ongoing coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic,” ayon sa SSS.

Noong Miyerkules, July 22, ay pinirmahan ni SSS president and CEO Aurora Ignacio ang SSS Circular No. 2020-017 na naglilimita sa mga walk-in transcations sa SSS branches.

Imahe mula sa UNTV

“Walk-in transactions in these branches will be limited to the payment of contributions and loans, compliance to the SS Number Application thru the SSS web, pick-up of Unified Multi-Purpose Identification card, presentation of original documents to support claim applications, and other justifiable reasons,” ayon sa circular.

Ayon sa circular ang SSS members ay maaari lang magtungo sa mga branches sa araw na itinalaga batay sa huling digit sa Social Security number o Employers ID number:

  • Mondays for SS or ER ID number ending in 1 or 2
  • Tuesdays for those ending in 3 or 4
  • Wednesdays for those ending in 5 or 6
  • Thursdays for those ending in 7 or 8
  • Fridays for those ending in 9 or 0
Imahe mula sa JG Summit

Para sa funeral at death claims, ang SS number ng deceased member ang pagbabatayan ng number coding schedule.

Kung holiday pumatak ang schedule ng numero ay maaaring gawin ang transaksyon sa susunod na araw.

Sakali namang magkaroon ng system downtime, ang branch ay maaaringmag-set ng appointment kung kailan  maaaring bumalik ang member na nakapila. Maari rin namang maghintay ang miyembro hanggang maging operational ulit ang system o kaya ay bumalik na lang sa schedule sa susunod na linggo.

Ang bagong patakaran ay ipatutupad sa lahat ng SSS branches  sa Metro Manila. Sa Luzon naman ay ang mga branch sa Baguio, Dagupan, Bacoor at Binan. SA Visayas at Mindanao ay ang Cebu, Lapu-Lapu, Bacolod, Iloilo-Central, Cagayan De Oro, at Davao branches.

Imahe mula sa Business Mirror

 

Loading…