J&T Express sinampahan na ng mga kaso dahil sa maraming violations; isang branch ipinasara

Imahe mula sa Philippine News
  • PNP-CIDG nagsampa na ng mga kaso laban sa J&T Express
  • Bukod sa violation na nakita sa viral video, may ilan pang paglabag ang kumpanya na nadiskubre ang CIDG
  • Ang J&T Express branch sa Muntinlupa City ay binigyan ng closure order dahil sa kawalan ng business permit

Nagsampa na ng mga kaso laban sa J&T Express ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) matapos ang imbestigasyong ipinagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa maraming reklamo tungkol sa express courier delivery company.

Imahe mula sa YouTube

Sinabi ni PNP Chief General Archie Gamboa na matapos ang imbestigasyon, napatunayang lumabag sa ilang batas ang kumpanya na nasangkot sa kontrobersya matapos kumalat ang isang video kung saan makikitang walang ingat na inihahagis ng mga tauhan nito ang mga parcels sa loob ng delivery truck.

Wala ring suot na pang-itaas at face masks ang mga kawani ng J&T Express na nakunan ng video sa gitna ng pandemyang umiiral.

Bukod sa nasabing video, may iba pang paglabag na nakita ang CIDG, sabi ng PNP chief.

“As a matter of fact, other than those na naging viral sa video which was also the basis for the investigation, may mga na-find out pa including violations of the labor law of which the PNP in coordination with the DOLE (Department of Labor and Employment) is taking cognizance of it,” ani Gen. Gamboa.

Imahe mula sa PNP

“True enough, we were able to successfully file separate cases in violation of RA (Republic Act) 11332 and that of RA 7394 or the Consumer Protection Act,” sabi pa ng heneral.

Bukod sa mga nabanggit na violations, ang isang branch ng J&T Express sa Muntinlupa City ay binigyan ng closure order dahil sa kawalan ng business permit.

“Then further, because dito sa J&T Express hub located in Barangay Muntinlupa, they were operating without the necessary mayor’s permit. Because of that violation there is a closure order and actual pictures have been taken to implement such a closure order,” aniya.

Ang regional office ng CIDG ay kasalukuyang nangangalap ng mga ebidensya laban sa provincial hubs ng kumpanya.

Imahe mula sa J&T Express Facebook page

Loading…