Jimuel Pacquiao ibinahagi ang pinakaimportanteng natutunan sa ama upang maging mahusay na boxer

Screenshot mula sa video ni Manny Pacquiao
  • Jimuel Pacquiao nagpakita ng dedikasyon sa pagssanay sa boksing
  • Sinabi ni Jimuel na natutunan niya sa ama ang sikreto ng isang mahusay na boxer
  • Proud na ibinahagi ni Manny Pacquiao sa Facebook ang training video ng anak

Pursigido talaga si Jimuel Pacquiao, ang panganay na anak ni pambansang kamao Manny Pacquiao, na sumunod sa mga yapak ng kanyang ama sa larangan ng pagboboksing.

Screenshot mula sa video ni Manny Pacquiao

Sa isang video ay ipinakita ni Jimuel kung gaano siya kaseryoso na maging isang mahusay na boxer. Hinangaan ito ng ama na buong pagmamalaking ibinahagi sa kanyang Facebook account ang ginagawang boxing training ng anak.

“My son Emmanuel Pacquiao Jr. doing some boxing training. Proud of his hard work and dedication to get better every day,” anang fighting senator.

Kahit wala sa kundisyon dahil kulang sa tulog, ipinakita pa rin ni Jimuel ang matitinding workouts tulad ng crunches, sit ups, push ups, shadow boxing, at ang focus mitt training.

“I’m not in shape today. I need more sleep,” sabi ni Jimuel na pawisan sa ginagawang training.

Bagama’t malayung-malayo  pa ang dapat tahakin ni Jimuel upang marating ang naabot ng kanyang ama sa larangan ng boxing, mababanaag ang kanyang potensyal sa ipinakitang bilis ng mga kamao sa pagbigay ng straight, hook at uppercut.

Screenshot mula sa video ni Manny Pacquiao

Habang nagpapahinga sa matinding workouts, sinabi ni Jimuel ang pinakaimportanteng bagay na natutunan niya kay Manny.

“The most important thing I’ve learned since training with my dad is positioning and balance. He says that’s where power comes from, you know, balance, that’s the secret of a fighter,” ani Jimuel.

Imahe mula kay Jinkee Pacquiao

Ang sikretong ito ay ang tinatawag na boxing stance. Ang tamang stance ay importante sa tagumpay ng boksingero dahil inihahanda nito ang boxer na magpakawala ng suntok at umilag sa mga tirada ng kalaban.

Narito ang boxing training video ni Jimuel:

Loading…