Jona rumesbak sa mga nagsasabing “Lumipat-lipat ka pa kasi wala ka tuloy trabaho”

  • Rumesbak ang Kapamilya singer na si Jona sa ilang mga netizens na nagbigay sa kaniya ng pasaring
  • Bakit daw kasi siya lumipat-lipat pa ng home network; tuloy, wala na raw siyang trabaho at career dahil sa pagsasara ng ABS-CBN
  • Matatandaang nagsimula si Jona o Jonalyn Viray sa GMA Network matapos magwagi sa isang singing reality show

Isa ang Kapamilya singer na si Jona o tinatawag ding “Fearless Diva” sa mga celebrity na nagpakita ng pagsuporta sa pakikipaglaban ng ABS-CBN sa franchise renewal nito, na ibinasura naman ng Kongreso noong Hulyo 10, 2020 matapos ang 12 pagdinig dito.

Kaya naman, hindi rin siya nakaligtas sa mga patutsada ng ilang mga netizens sa Twitter na nagsasabing wala na siyang career dahil sa paglipat niya ng home network. Agad naman niya itong sinagot sa pamamagitan din ng Twitter post.

Imahe mula sa Twitter account ni Jona

“Sa mga tao pong nagsasabi sa akin na Mabuti nga sayo, lipat-lipat ka pa kasi, wala ka na trabaho, wala ka ng career, Wow… that’s the kind of spirit Filipinos have? Nagsasaya sa kawalan ng iba? One thing I’d like to tell these people, just keep following and be updated,” malumanay pa ring birada ni Jona sa kaniyang Twitter.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Sabi ng isa, “Don’t mind them Jona. Keep strong my friend. We are all still praying for a miracle.”

“I can see greater light… please kapit lang. Better days ahead, I am seeing it. Grabe, napakagaling ninyo, I love seeing you as Kapamilya,” turan naman ng isa.

Wika naman ng isa, “Ms. Jona hindi kita kilala noon pero when you transfered to ABS-CBN, you deserve to be in the number 1 largest network where the stars truly belong. Hayaan po natin sila if ganoon ang manners and values ng pagpapalaki sa kanila ng magulang nila. Sad for their parents.”

Imahe mula sa Instagram account ni Jona

Matatandaang unang nakilala si Jona bilang “Jonalyn Viray” sa GMA Network na grand winner ng “Pinoy Pop Superstar” at naging isa sa mga kasapi ng “La Diva.”

Binigla niya ang kanyang mga tagahanga noong 2016 nang lumipat siya sa ABS-CBN. Maraming nagsasabing mas nakilala, gumaling, at sumikat pa si Jona nang mapasama sa mga de-kalibreng mang-aawit ng Kapamilya Network dahil talaga namang nakipagsabayan siya sa mga ito.

Loading…