J&T Express, pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte

Imahe mula sa Facebook page ng J&T Express
  • J&T Express, pinaiimbestigahan ni Pangulong Duterte sa CIDG, NBI at BIR
  • Marami na umanong natatanggap na reklamo ang Pangulo tungkol sa kumpanya
  • Tiniyak ng Pangulo na ipasasara ang J&T Express sa oras na mapatunayang may pananagutan ito

Nais paimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang J&T Express, isang courier company, na kailan lang ay nasangkot sa kontrobersya matapos kumalat sa social media ang video ng mga tauhan nito na walang ingat na inihahagis lang ang mga parcels sa loob ng kanilang delivery truck.

Imahe mula sa Facebook page ng J&T Express

Inatasan ng Pangulo ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police, sa National Bureau of investigation (NBI) at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang Indonesian-based courier company na ang operasyon sa Pilipinas ay nagsimula noong March 2019.

“You better shape up. I would like you to know that I am ordering now the CIDG and the NBI to investigate you and the BIR to look into your finances,” anang Pangulo.

Marami umanong natanggap na reklamo ang Pangulo tungkol sa mga hindi tamang ginagawa ng ilang kawani ng J&T Express tulad ng pagkawala ng ipinadalang items o kaya naman ay napalitan ng iba ang inorder na bagay.

Aniya, hindi niya ipinahihiwatig na guilty ang kumpanya. Depende raw iyon sa kalalabasan ng imbestigasyon.

“I am not condemning you now. I am also not insinuating that you are liable or guilty of doing it. It would depend greatly on what is the result of the investigation,” sabi ni Pres. Duterte.

Imahe mula sa Facebook page ng J&T Express

Tiniyak ng Pangulo na ipasasara ang kumpanya sa oras na mapatunayan sa imbestigasyon na may pananagutan ito.

Hinimok niya ang publiko na magreklamo sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya kung naagrabyado ng J&T Express.

Source :

YouTube, PCOO

Loading…