Juday humingi ng second chance para maitama ng ABS-CBN ang mali

Image by Judy Ann Santos-Agoncillo Fans via Facebook/Image by Judy Ann Santos via Instagram
  • Judy Ann Santos, nanawagan ng isa pang pagkakataon para sa ABS-CBN
  • Sabi ni Juday, bawat tao o kumpanya ay puwedeng mapagbigyan ng pangalawang pagkakataon para maitama ang mali
  • Hindi lamang umano ito para sa mga artista kundi para na rin sa iba pang natutulungan ng TV Network

Nanawagan si Judy Ann Santos sa mga mambabatas na sana’y bigyan ng pangalawang pagkakataon ang ABS-CBN para maitama ang mali; hindi lamang umano para sa mga artista kundi para na rin sa iba pang natutulungan ng TV station.

Image by Judy Ann Santos-Agoncillo Fans via Facebook

Wika ni Juday sa Instagram, “Naniniwala po ako na ang bawat tao o kumpanya ay pwedeng mapagbigyan ng pangalawang pagkakataon para maitama ang mga mali.”

Dagdag niya, tanging dasal na lamang ang kinakapitan nila; hindi lamang para sa kanilang mga artista kundi pati na rin sa mga empleyadong nawalan ng trabaho.

Gayundin, aniya, sa mga mamamayan sa malalayong lugar na nawalan ng access sa impormasyon at maging sa ekonomiya ng bansa na patuloy ang pagbagsak dahil sa COVID-19 pandemic.

“Sana po, sa pagkakataong ito mapairal natin ang puso at mga isip natin sa kasalukuyang pinagdadaanan natin. Pare-pareho naman po tayong mga Pilipino.

“Pareho tayong lahat ng pinagdadaanan. Bakit hindi po tayo magtulungan?”

Kasalukuyan parin ang pagdinig na isinasagawa ng Kamara ukol sa pagbibigay ng panibagong 25-year-franchise para sa Kapamilya Network.

Nauna nang naglabas ng cease and desist order (CDO) ang National Telecommunications Commission (NTC) noong Mayo para ipatigil ang free-TV at radio broadcast ng ABS-CBN.

Imahe mula sa ABS-CBN

At kamakailan nga ay naglabas ng panibagong CDO ang ahensya ng pamahaan para patigilin din ang network sa pag-ere ng mga palabas nito sa pamamagitan ng frequency ng Channel 43.

Maiiyak ka na lang”: Angel Locsin sa pagpapatigil-operasyon sa ABS-CBN stations sa Channel 43, Sky Direct

Samantala, naghayag ng saloobin si ABS-CBN Primetime Queen Angel Locsin ng saloobin sa panibagong CDO mula sa NTC.

Sabi niya, “Kanina pumara ako sa harap ng ABS nung nabalitaan ko ang posibleng pagtigil sa TV Plus at Sky. Eto na naman yung pakiramdam na maiiyak ka na lang.”

Image by Angel Locsin via Facebook

Loading…