Julia Montes, lilipat na nga ba sa GMA Kapuso Network?

  • Hindi raw totoo ang balitang lilipat ng tv network si Julia Montes
  • Ayon mismo ito sa kaniyang handler at manager sa Cornerstone Entertainment
  • Kilala si Julia bilang isa sa mga mahuhusay na aktres ng ABS-CBN Kapamilya Network na kasabayan ni Kathryn Bernardo sa remake ng soap operang “Mara Clara”

Usap-usapan sa social media ang napipintong paglipat umano ng aktres na si Julia Montes sa mahigpit na karibal ng kaniyang home network, ang GMA Kapuso Network, dahil umano sa kawalang-katiyakan ng franchise renewal ng ABS-CBN Kapamilya Network.

Pinabulaanan naman ito ng handler ni Julia Montes na si Mac Merla at sinabing mananatiling Kapamilya ang kaniyang alaga. May kumalat kasing balitang may nagaganap daw na negosasyon sa pagitan ng Kapuso Network at sa talent management ni Julia na Cornerstone.

Public Domain Image

Matatandaang nahinto ang weekly program ni Julia na “24/7” dahil sa enhanced community quarantine at sa problema hinggil sa franchise renewal ng Kapamilya Network. Kasama ni Julia sa naturang show ang mahusay ring aktor na si Arjo Atayde na anak ni Sylvia Sanchez. Wala pa raw abiso mula sa pamunuan kung ipagpapatuloy pa ang taping para dito. Matatandaang inihayag ng network na hindi na itutuloy ang “Make It With You” ng LizQuen.

“Hindi ko alam kung shelved na. Ang alam ko nga postponed muna ang mga tapings dahil sa mga nangyayari (COVID-19 at franchise renewal),” saad ng handler ni Julia.

Ayon naman sa manager ni Julia na si Erickson Raymundo na siyang Presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment, mananatili sila sa Kapamilya Network dahil naging maganda naman umano ang pagtrato ng network sa kanilang mga talents. Bilang pagtanaw ng utang na loob, hindi nila lilisanin ang estasyon lalo’t naging maayos naman ang kanilang relasyon.

Public Domain Image

Matatandaang matagal na nawala sa limelight ng showbiz si Julia dahil kinakailangan nitong magtungo sa Germany upang bisitahin ang kaniyang ama. Sa panahon ng kaniyang pagkawala, kumalat ang espekulasyong buntis ito at ang aktor na si Coco Martin, na nobyo niya umano, ang siyang ama nito. Itinanggi naman ito ni Julia at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa napatutunayan.

Sa kaniyang pagbabalik, nagkaroon nga siya ng weekly television show subalit hindi naman ito natapos dahil nga sa ECQ noong Marso.

Samantala, ipinahayag naman ng Kapamilya Network na pagdating ng Agosto, papayagan na nila ang mga artista nila na maghanap ng trabaho o lumipat ng ibang network kung sakaling hindi mapagbibigyan ang pagkakaroon nila ng panibagong prangkisa, bagay na inilalaban naman ng mga bosses, empleyado, at mga tagasuporta nito.

Loading…