Kabaong ginawang aquarium ng isang netizen

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang kabaong
  • Hindi bangkay ang nakasilid dito; ginawa kasi itong aquarium
  • Ang aquarium ay lalagyanan ng mga alagang isda at halamang-dagat na ginagawang display sa bahay

Ang kabaong o ataul ay kagamitang kinalalagakan ng mga labi ng mga mahal sa buhay na namayapa na. Para sa ilang mga nakaririwasa, pinaghahandaan na nila ito sa pamamagitan ng pagpili ng kulay at dibuho habang sila ay nariyan pa. Para naman sa nakararami, hindi naman ito ganoon kahalaga; ang mahalaga ay maging maayos lamang ang libing o huling hantungan.

Kaya naman, ikinaaliw ng mga tao ang ibinahaging larawan sa Facebook page na “Papa” kung saan ginawang aquarium ng isang netizen ang kabaong na inilagay sa kaniyang bakuran. Akala tuloy nang nakakita, ito ay isang lamay o burol.

Imahe mula sa Facebook page na Papa

“ANO BA NAMAN ‘TONG KAPITBAHAY NAMIN AKALA KO MAY LAMAY HAHAHAHAHAHA AQUARIUM PALA,” saad sa caption ng post.

Ang aquarium, batay sa Encyclopedia Britannica, ay “receptacle for maintaining aquatic organisms, either freshwater or marine, or a facility in which a collection of aquatic organisms is displayed or studied.”

Kung babalikan ang kasaysayan, ang mga Sumerians ang unang mga taong nag-alaga ng mga isda sa kanilang artificial ponds sa kanilang panahon. Ang mga Chinese naman na nag-alaga ng carp bilang pagkain ay nagsimula noong 1000 BCE. Sila rin ang nagpauso ng breeding sa mga isda.

Ang mga sinaunang Romano naman ay kilala bilang marine aquarists. Naghuhuli sila ng mga isda hindi lamang para gawing pagkain kundi bilang libangan. Inilalagay nila ang mga ito sa mga ponds na ang tubig ay nagmula mismo sa dagat. Nagsimula naman ang pag-aalaga ng goldfish sa mga glass vessels noon sa England, mga kalagitnaan ng 1700’s.

Public Domain Image

Sa kalagitnaan ng 19 na siglo, ginamit ang termino o salitang aquarium bilang container na ginagamit sa pagpapalaki ng aquatic plants. Bagama’t ang French-born naturalist na si Jeanne Villepreux-Power ang kauna-unahang nakatuklas ng recognizable glass aquarium noong 1832, ang likha ni British naturalist Philip Gosse, ang kinikilalang termino ngayon ng aquarium bilang sisidlan sa mga aquatic animals at plants na inaalagaan sa bahay.

Loading…