Kahit inalis diumano, Daryl Ong nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN

Imahe mula sa Instagram | Daryl Ong
  • Nagpahayag ng kaniyang suporta ang singer na si Daryl Ong sa mga kaibigan sa Kapamilya network
  • Ito ay sa kabila ng pag-ban diumano sa kaniya mula sa lahat ng show ng ABS-CBN
  • May nakapag-record kasi ng usapan nila ni Bugoy Drilon patungkol sa petisyon noon para sa renewal ng prangkisa ng network

Sa kabila ng diumano ay pag-ban sa kaniya mula sa Kapamilya network ay nagpahayag ng suporta ang singer na si Daryl Ong sa kaniyang mga kasamahan sa gitna ng kinahaharap nilang isyu sa prangkisa.

Imahe mula sa Instagram | Daryl Ong

Ani Daryl sa isang Instagram post, ipinagdarasal niya ang mga kasamahan sa ABS-CBN.

“Extending prayers for friends and former co-workers/co-artists in ABS-CBN. My journey with them may have ended but my friendship and love for them will always be here with me,” saad ni Daryl sa post.

“I pray and hope for nothing but the best for everyone especially in this time of pandemic. God bless us all.”

Matatandaang ikinuwento ni Daryl na na-ban siya sa ABS-CBN matapos na makarating diumano sa isang boss ang usapan nila ni Bugoy Drilon tungkol sa prangkisa ng network.

Imahe mula sa Instagram | Daryl Ong

Ito raw ay tungkol sa one million signatures na kinakalap ng National Union of Journalists of the Philippines. Sabi raw ni Bugoy, 60k na lang ang kulang na pirma para sa petisyon ngunit sumingit si Daryl at sinabing “hindi 60k na lang, 60k pa lang at anong petsa na.”

“Naku, malabo na iyan. Mahirap ‘yan. Kalaban pa man din nila ang gobyerno. Si Presidente ba naman ang kalaban so malabo na ‘yan,” dagdag pa raw ni Daryl.

Lingid sa kanilang kaalaman ay may nakapag-record pala ng kanilang usapan na kakilala ng isang boss sa network kaya nakarating ito sa taas.

“So apparently, pinarinig yung recording at ang dating sa kanila, wala kaming utang na loob or pinag-uusapan namin yung franchise issue and it seems wala kaming concern,” kuwento niya.

 

Loading…