Kakasa ka ba sa pagkain ng “feetza?”

  • Isang naiibang pagkain ang pinag-usapan ng mga netizens mula sa Facebook page na “Rant”
  • Ito ay ang “feetza” na pinagsamang pizza at paa ng manok o tinatawag ding “adidas”
  • Marami naman sa mga netizens ang nabuksan ang kuryosidad sa posibleng recipe at maging sa lasa nito

Isa ang pizza sa mga pagkaing banyaga na talaga namang paborito at kinatatakaman ng mga Pilipino. Paborito itong ipadeliver ngayon sa panahon ng community quarantine. Ang mga variants na talaga namang patok ay Ham and Cheese, Hawaiian, Pepperoni, at marami pang iba.

Subalit kakaibang pizza naman ang pinag-usapan ng mga netizens sa Facebook page na “Rant.” Makikita sa larawan na inilagay na toppings sa ibabaw ng dough ang mga “adidas” o paa ng manok. Kaya naman, ang naturang pizza ay tinawag na “feetza.” Kakasa ka ba sa pagkain nito?

Imahe mula sa Facebook page na Rant

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Grabe naman… kung ano-ano na lang naiisip na pagkain ng ilan hahaha, I can’t eat food like this,”  sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Hindi ako kakain niyan hahaha, pero kung hiwalay na pagkain, baka puwede pa.”

“Curious ako sa puwedeng maging lasa nito, magawa nga ang ganitong klaseng pagkain. Sana inilagay n’yo na rin ang recipe para ma-try na rin hehehe,” wika naman ng isa.

Ang paa ng manok ay maaaring kainin at gawing adobong adidas. O kaya naman, makikita rin ito bilang street food sa mga ihawang kadalasang nasa mga lansangan o bangketa.

Public Domain Image

Sarap na ‘di bitin! Netizen, gumawa ng ‘mango pizza’ sa panahon ng community quarantine

Samantala, isang netizen naman ang gumawa ng isang “mango pizza” na hinango mula sa isang sikat na restaurant sa Guimaras.

Dahil naudlot ang kanilang pagbabakasyon sana roon, naisipan na lamang niyang ipakuwento sa mga kaibigang nakatikim na nito ang kanilang mga nalasahang sahog sa nasabing mango pizza.

Loading…