Kampo ni Jinkee Pacquiao rumesbak kay Agot

Imahe mula sa Facebook
  • Kampo ni Jinkee Pacquiao pumalag sa pasaring ni Agot Isidro
  • Dinepensahan ni Arnold L. Vegafria si Jinkee sa patutsada ng singer-actress
  • Anuman daw ang ipino-post ni Jinkee sa kanyang social media accounts ay hindi natin dapat hinuhusgahan

Hindi pinalampas ng isang malapit sa pamilya Pacquiao ang ginawang patutsada ng singer-actress na si Agot Isidro tungkol sa mga ipino-post ni Jinkee sa kanyang social media accounts.

Imahe mula sa Facebook account ni Agot Isidro

Dinepensahan ni Arnold L. Vegafria, isang talent manager na tumatayong business manager ni Senator Manny Pacquiao, si Jinkee.

Tinanong ni Vegafria kung ano ang isyu ni Agot Isidro kay Jinkee. Aniya, kung anuman ang ipino-post ni Jinkee sa Instagram page niya ay hindi natin dapat hinuhushagan.

Matatandaang sa isang Twitter post ay diretsahang sinabihan ni Agot Isidro si Mrs. Pacquiao na kung puwede ay magkaroon naman ito ng kaunting “sensitivity” sa mga ipino-post lalo na sa panahong ito na marami ang walang trabaho.

“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na ‘yun, wala kaming pakialam. Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puwede ba, konting sensitivity man lang? #nouveau,” post ni Agot Isidro sa Twitter.

“What’s your issue, Agot? What Jinkee posts on her Instagram page is not for us to judge,” simula ni Vegafria sa mahabang mensahe niya para kay Agot.

Screenshot ng Instagram post ni ALV

“What she does with her family’s hard-earned money is none of our business, because such bountiful blessings are just the fruit of her husband’s esteemed legacy as an iconic Filipino boxing legend and businessman, and are not stained in any way by graft or corruption,” patuloy ng talent manager.

Maging si Jinkee raw ay naging masikap bilang magaling at wais na negosyante na may mga investments sa ilalim ng malinis nitong pangalan, sabi pa ni Vegafria.

Maaaring wala raw ideya si Agot tungkol sa mga kabutihang nagawa ni Manny Pacquiao sampu ng kanyang pamilya para sa mga kababayan, hindi lang nitong nagdaang tatlong buwan ng pandemya kundi kahit noong nagsisikap pa lang ito na maabot ang kinalalagyan ngayon.

Ang mga Pacquiao ay hindi umano ang klase ng mga tao na pinangangalandakan ang ginagawang pagtulong.

Imahe mula sa Facebook account ni Manny Pacquiao

Pinuna rin ni Vegafria ang mapang-insultong hashtag #nouveau na ginamit ni Agot Isidro sa mensahe niya kay Jinkee.

“And please be more discerning about your use of the word “nouveau,” sabi niya.

Aniya, ilang dekadang nagsumikap ang mga Pacquiao upang marating ang kasalukuyang katayuan sa lipunan, at sa kabila ng kanilang estado sa buhay ay nananatili umano ang mga ito na humble at mapagbigay sa sinumang nangangailangan ng tulong.

Narito ang buong mensahe  ni Vegafria kay Agot :

What’s your issue, Agot?

What Jinkee posts on her Instagram page is not for us to judge.

What she does with her family’s hard-earned money is none of our business, because such bountiful blessings are just the fruit of her husband’s esteemed legacy as an iconic Filipino boxing legend and businessman, and are not stained in any way by graft or corruption.

Jinkee has also worked her way up as a smart and prudent businesswoman with several investments under her good name.

You probably have no idea as to the extent by which the good Senator, Manny Pacquiao and his family, have done so much to help our countrymen, not just during the past three months during the height of the pandemic, but even way before when he was still working hard to achieve his iconic stature.

You probably don’t see or hear much about it because they are not the types to brag about their noble and charitable deeds for other people to see. They would rather do their humble acts of generosity away from the eyes of the media or the glare of the spotlight.

And please be more discerning about your use of the word “nouveau.”

The Pacquiaos have worked hard over the past decades to achieve their current standing in society, and despite their status, they have remained humble, low-key and generous to whoever asks for their help. Their fervent desire to serve their countrymen continues to inspire them to pursue higher education and excel in their public service endeavors.

#justsaying #unityinunderstanding

Source :

Facebook, PEP

Loading…