Kathryn at Daniel ibinunyag ang pangarap na magkaroon ng sariling boutique hotel farm

Image by KathNiel via Facebook
  • Ibinahagi ng KathNiel ang pangarap nilang pagtatayo ng sariling boutique hotel farm
  • Si Kathryn umano ang magluluto at magma-manage
  • Si Daniel naman ang tutugtog para sa mga kustomer

Ibinahagi nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mga pangarap nila bilang magdyowa na kinabibilangan na ng pagtatayo nila ng sariling boutique hotel at farm.

Pahayag ni Kathryn sa Star Magic’s Love From Home series, “Dream namin ni DJ na magkaroon ng breakfast place. Dream ko kasi magkaroon kami ng parang boutique hotel farm.

“Ako ang magma-manage nun. Ako magluluto. Gagawa ako ng mga rice bowls, ganyan. Tapos siya, tutugtog lang siya doon.”

Pero saad ng aktres, para matiyak nilang mabibigyan ng “best experience” ang mga kustomer sa kanilang pinapangarap na boutique farm at hotel, limitado lamang ang tatanggapin nilang guests.

Wika naman ni Daniel, “Ipagluluto namin sila, aasikasuhin, ganoon lang. Someday. Iyan ang goal natin.”

Matatandaang business partners na rin ang love team na magdyowa rin in real life. Kamakailan lamang ay itinayo nila ang Barbero Blues na matatagpuan sa The Block, SM North EDSA, Quezon City.

Karagdagan, ibinunyag din ng KathNiel ang pagtatayo ng dream house nila pero masyado pa raw maaga para maisakatuparan ito kaya’t mananatili muna ito sa wish list nila.

Sabi pa ng aktor, kaya raw sila nagtatrabaho ngayon ay dahil mayroon silang aasikasuhin in the future.

Imahe mula sa Instagram | Daniel Padilla

Aniya,”Kailangan nating gawin na ngayon para sa panahong gusto mo na rumelaks, puwede mo na alagaan ang sarili mo, at siyempre ang partner mo.”

Daniel Padilla sa relasyon nila ni Kathryn Bernardo: ‘Para siyang halaman, kailangan mong alagaan’

Sa pagdiriwang ng kanilang eight-year anniversary bilang real-life couple noong nakaraang buwan, sinabi ni Daniel na marami na rin silang pinagdaanang pagsubok at muntik nang naghiwalay.

Natutunan daw nito na ang pagmamahal ay parang halaman na kailangang alagaan.

“You have to let it grow. Para siyang halaman. Kailangan mo siyang mahalin. Hindi ko siya kayang talikuran. Baka wala na akong makuhang pag-ibig na ganito uli,” paliwanag niya.

Imahe mula sa Instagram | Daniel Padilla

Loading…