Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sure na ang kasal sa 2022?

Image by KathNiel via Instagram
  • Jun Lalin nag-chika tungkol sa plano umanong pagpapakasal nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa 2022
  • May mga kakilala raw siya sa panig ng dalawang sikat na artista na nagsabi nito sa kanya
  • Nagdiriwang ngayon ng ika-walong anibersayo ang KathNiel

Siguradong ikakasal na ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o mas kilala bilang ang loveteam na KathNiel sa 2022; ‘yan ay ayon sa showbiz reporter at talent manager na si Jun Lalin.

Image by KathNiel via Instagram

Pagkukuwento ni Lalin sa kanyang kolum sa pahayagang Abante, isang malapit daw kay Kathryn ang nagkuwento at nagkumpirma sa kanya sa binabalak na pagpapakasal ng dalawang sikat na artista sa 2022.

Maliban dito, mayroon din umano siyang kakilala sa kampo ni Daniel na nauna nang nagbahagi sa kanya tungkol dito pero wala pang karagdagang detalyeng ibinahagi.

Ngayong nagdiriwang ng ika-walong anibersaryo ang KathNiel ay pinili nilang magpunta sa The Farm sa San Benito, Batangas kung saan kasama nila ang nanay ng dalaga at isa pang kamag-anak.

Sabi ni Kathryn sa Instagram, “Now more than ever, wellness should be our number one priority to fight off the virus. We went to @thefarmatsanbenito for a couple of days to do traditional treatments for immunity boosting.”

Matatandaang malaki na ang narating ng pamosong love team mula sa kanilang pagkakapareha sa youth-oriented show na Growing Up hanggang sa nabigyan sila ng sunod-sunod na proyekto kagaya ng movies, TV shows, concerts at iba pa.

Image by KathNiel via Instagram

Pagkukuwento ni Daniel, noong una ay nakatanggap siya ng pamba-bash mula sa mga televiewers nang ipareha siya kay Kathryn, pero pinatunayan niyang karapat-dapat siyang maging ka-loveteam ng dalaga.

“Kailangang patunayan sa kanila na worthy ako na ipinalit para kay Kathryn. And ako rin, nahihiya ako sobra kina Kathryn. Ayokong pumalpak dahil ako ‘yung baguhan. Nandoon na siguro na maiintindihan nila. Pero nasa akin din yung extra effort para husayan ko.”

Image by KathNiel via Instagram

Loading…