Kaya dapat pag-isipang mabuti: Motorcycle shield humampas sa mukha ng babeng nakaangkas

Screenshot mula sa video ni Anton Dellosa
  • Paghampas ng motorcycle shield sa babaeng nakaangkas na-video-han
  • Dahil sa hampas ng hangin ay nakadikit na sa mukha ng nakaangkas ang shield
  • Simula sa Linggo, July 19, ay mahigpit nang ipatutupad ang paglalagay ng shield sa pagitan ng driver at angkas ng motorsiklo

Simula sa Linggo, July 19, ay mahigpit nang ipatutupad ang paglalagay ng shield sa pagitan ng driver at angkas ng motorsiklo. Marami ang kumukwestyon sa requirement na ito na diumano ay magsisilbing pananggalang sa pagkakahawahan ng COVID-19 ng magkasama sa iisang motorsiklo.

Screenshot mula sa video ni Anton Dellosa

Mukhang hindi raw pinag-isipang mabuti ang desisyon kaya naman halos lahat na yata ng mga taong nagmomotorsiklo ay kontra sa paglalagay ng motorcycle shield. Maging ang boses ni Senator Bong Go, na isang motorcycle enthusiast, ay sumama na rin sa mga nananawagan na pag-aralang mabuti ang patakaran.

Sa video na nakunan ng isang netizen na ibinahagi sa Facebook ay malinaw na naipakita ang hindi magandang epekto o resulta ng shield.

Kinunan ng netizen na si Anton Dellosa ang nakitang eksena sa kalsada sa Quezon City kung saan nakasabay ng kanilang sasakyan ang mag-asawa o magpartner na nagmomotorsiklo (ang backriding ay pinapayagan lang para sa mag-asawa o live-in partners) .

Maririnig na tumatawa ang netizen habang kinukunan ang nakamotorsiklo dahil ang shield na itinutulak ng hangin ay humampas na sa mukha ng babaeng naka-angkas.

Screenshot mula sa video ni Anton Dellosa

“Ang lupit ng naka-isip nito, kawawa naman ‘yung angkas niya,” caption ni Dellosa sa post niya.

Mabilis na nag-viral ang post ni Dellosa, pero lalo pa itong kumalat sa social media nang ibahagi ito ng GMA News sa Facebook page nito.

Libo-libong netizens ang nagbigay ng komento laban sa motorcycle shield na ipinatutupad ng pamahalaan. Lahat sila ay iisa ang gustong sabihin – delikado ang paglalagay ng shield sa motorsiklo.

Matatandaang nanawagan si Sen. Bong Go sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at National Task Force against COVID-19 na sana ay pakinggan ng mga ito ang hinaing ng mga riders, ang opinyon ng mga safety experts at ang sentimyento ng publiko hinggil sa motorcycle shield.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen. Bong Go
Source :

Facebook

Loading…