Kim Chiu inihayag ang kalungkutan sa “nangyayari sa ating bayan”

Image by Kim Chiu via Facebook
  • Kim Chiu, nalulungkot umano sa mga nangyayari sa ating bayan
  • Sana raw ay may opsyon para piliin kung saan mailalagay ang babayarang buwis
  • Saad pa ni Kim, sana ay kapakanan muna ng tao ang iniisip bago ang pansariling agenda

Muling naglabas ng reaksyon ang aktres na si Kim Chiu sa social media kung saan binanggit niya na nalulungkot umano siya bilang tax payer at isang mamamayang Pilipino sa mga nangyayari sa ating bayan.

Image by Kim Chiu via social media

Bayaran na naman ng buwis, aniya, at sana ay may opsyon kung saan mailalagay ang ibabayad. At kung siya umano ang papipiliin ay ilalagay niya ito sa pondo para sa edukasyon at kalusugan.

Pahayag ng Chinita Princess sa Instagram, “Hep, Before kayo mag bad comment, this is just my opinion as a TAX payer and isang mamamayang nalulungkot sa nangyayari sa ating bayan.”

Ibinahagi rin ng aktres ang artikulo mula sa Forbes na may pamagat na “What Do Countries With The Best Coronavirus Responses Have In Common? Women Leaders” kung saan binibigyang pagpupugay ang mga babaeng lideres na nagpakita ng seryoso, maagap, matalino at makabagong paraan upang makontrol ang pandemya sa kani-kanilang bansa.

Wika ni Kim, sana ay kapakanan muna ng tao ang iniisip — mahirap man, middle class o mayaman — bago ang pansariling agenda.

Image capture from Instagram post by Kim Chiu

Nilakipan niya ang post ng hashtag na #SonaAll. Matatandaang katatapos lamang ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.

“If we only have a leader and not a ruler”: Kim Chiu may message sa mga kasamahang nawalan ng trabaho

Kamakailan lamang ay naging emosyonal si Kim para sa kanyang mga kakilala sa ABS-CBN na nawalan ng trabaho makaraang hindi nabigyan ng panibagong prangkisa ang network.

Wika niya, “We are we experiencing this?! Why are they doing this to us?! If only those 70 congressmen and women have the heart to do what is right. If only we have a leader and not a ruler.”

Image by Kim Chiu via Facebook
Source :

PEP, Push, DF Balita

Loading…