Kim Chiu “lumabas” upang mamahagi ng relief kits at donasyon para sa mass testing

  • Namahagi si Kim Chiu ng relief goods para sa 1,500 pamilya
  • Nagbigay rin siya ng P300,000 donasyon para sa mass testing
  • Galing ito sa kinita niya sa “Bawal Lumabas” merchandise

“Lumabas” ng kaniyang tahanan si Chinita Princess Kim Chiu upang mamahagi ng relief kits para mga pamilyang naapektuhan ng lockdown at P300,000 para sa mass testing mula sa kinita ng kaniyang patok na awiting “Bawal Lumabas.”

Makikita sa kaniyang Facebook at Instagram accounts ang mga relief kits at food package na naipamahagi sa 1,500 pamilya bukod pa sa donasyong pera upang makapagsagawa ng mass testing, na kinakailangan upang malaman kung positibo ba sa COVID-19 ang isang tao.

Imahe mula sa Facebook account ni Kim Chiu

Ayon sa kaniyang caption, “Thank you po sa lahat ng sumuporta sa #BawalLumabasMerch! We were able to give food package sa 1,500 families and 300 thousand pesos for mass testing donated to ‘Shop and Share!'”

“Maraming, maraming salamat! Journey was like a roller coaster ride but I’m glad it ended this way,” dagdag pa niya.

Maaalalang sumikat ang “Bawal Lumabas” video ni Kim Chiu mula sa kaniyang kontrobersiyal na pahayag hinggil sa mga “batas sa klasrum” na medyo magulo at hindi naunawaan ng nakararami. Nakatanggap ng iba’t ibang pangungutya,  puna at hindi magagandang komento ang aktres mula sa mga netizens dahil dito.

Hanggang sa makabuo na nga ng isang novelty song pahinggil dito na talaga namang pumatok sa social media. Nakapagtala kaagad ng 10 million views ang music video nito sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas dito.

“‘Acceptance,’ tanggapin mo ang pagkakamali mo. ‘Courage,’ harapin mo nang buo ang situation at ang mga tao sa paligid mo. ‘Kindness,’ kahit ano’ng ibato sa ‘yo, tingnan mo pa rin na mabuti silang tao. Never lose faith in humanity. Always choose to be kind. And ‘Faith,’ tiwala sa Panginoon na kahit ano’ng mangyari, hinding-hindi ka Niya pababayaan. Kutyain ka man ng lahat. Huwag mo lang itigil ang pagdarasal,” sabi ni Kim Chiu.

Imahe mula sa Facebook account ni Kim Chiu

Kudos sa iyo, Kimmy! Isa kang patunay na anumang negatibong bagay na naranasan ay maaari pang gawing positibo at makatutulong pa sa ibang tao!

Loading…