Kongresista isinusulong ang ‘acceleration exam’ para sa mga ‘di makapag-eenrol

Imahe mula sa Facebook DepEd
  • Isinusulong ng isang kongresista ang ‘acceleration exam’
  • Para umano ito sa mga hindi makapag-aaral o kaya ay titigil ngayong taon
  • Bukas naman ang DepEd sa suhestiyon ng mambabatas

Isinusulong ng isang kongresista ang panukala na magbigay ng ‘acceleration exam’ ang DepEd para sa mga estudyanteng hindi makapag-eenrol ngayon taon, o kaya ay ‘yung napilitang tumigil sa pag-aaral sa anumang dahilan.

Sa virtual na pagdinig na ginanap sa Kamara nitong Biyernes, tinanong ni Magdalo Party-List Rep. Manuel Cabochan III si DepEd Undersecretary Nepo Malaluan kung kinukonsidera ng DepEd ang ganitong posibilidad.

“Would you consider na mabigyan ng qualifying exam for acceleration ‘yung mga estudyante na hindi makaka-enroll or naka-enroll ngayon but for some reason can’t push through?” tanong ni Cabochan.

Imahe via Facebook Magdalo

“Parents and children would always want to proceed to the next level and not skip a year,” dagdag nito.

Nilinaw din ni Cabochan na ang kaniyang tanong ay partikular para sa susunod na school year, 2021-22, para lang umano malaman yung year o grade level ng mga papasok na estudyante.

Kinumpirma kinalaunan ni Cabochan sa Manila Bulletin na ito ang nilalaman ng House Bill (HB) No.6994 na kaniyang inihain kamakailan.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang kongresista matapos ilahad ng DepEd na umabot lamang sa 17.8 milyong estudyante ng basic education ang nag-enrol para sa darating na pasukan, o halos 64% lamang ng bilang noong nakaraang taon.

Imahe via Facebook DepEd

“We are in a situation where we have a pandemic. Mayroon ho tayo ditong single parents, widowed, or walang income or ‘yung mga nawalan ng trabaho who cannot afford gadgets at wala hong access sa Internet, TV, or radio,” wika ng mambabatas.

Ganun pa man, bagama’t bukas umano ang DepEd sa suhestiyon ng mambabatas, may ilang araw pa naman hanggang Hulyo 15 ang mga magulang para ipalista ang kanilang mga anak.

Nagpasalamat naman si Cabochan sa naging pagtanggap ng DepEd sa kaniyang panukala.

Loading…